023: His Challenge

72 6 1
                                    

THAMINA
Year 2013


"Ned-Ned!"


Natawa ako ng tiningnan niya ako ng masama. Ayaw niya kasi na tinatawag siya sa palayaw niya. Pero dahil ako na 'to, wala siyang magagawa.


"Ilang beses ko bang sabihin sayo na ayaw ko na tinatawag ako ng ganyan," naiirita niyang sagot habang kamot-kamot ang ulo.


"Heh! kahit magwala ka pa diyan, wala akong pake!" pangbi-bwesit ko pa sakanya at binelatan pa siya.


"Fine, simula ngayon, ban ka na dito computer shop namin!" wika niya at ngumisi pa.


Nagulat naman ako, "Luh! andaya! wala namang ganyanan!" sabat ko pa habang hinahampas-hampas ang braso niya.


Itong computer shop kasi nila ang tambayan naming tatlo nina Serine tuwing walang pasok at nagsisilbi ko na ding pampalipas oras.


Tiningnan niya naman ako ng ilang segundo at humagalpak ng tawa. Parang tanga 'to, tatawa nalang bigla.


"Joke lang! hindi ko naman magagawa 'yan, alam mo namang mahal kita!" ani niya at ginulo ang buhok ko. "Upo ka na dito at tuturuan kitang mag-laro ng DOTA," wika niya at kumuha ng isa pang upuan.


"Wow! hindi naman ako na-inform na pati paglaro ng DOTA by pair," sulpot ni Serine na nasa kabilang gilid ni Ned-ned na naglalaro din.


Hindi ko naman pinansin si Serine at masayang umupo sa tabi ni Ned-ned. Nagsimula na siyang mag-laro ngunit imbes na sa screen ng computer ay nasa kanya ang tingin ko.


Napangiti ako matapos kong aalahanin ang mga masasayang alala ko noong bata pa ako kasama si Serine at ang childhood friend kong si Ned-Ned. Kaming dalawa talaga ang close kesa kay Serine na huling dumating sa barrio namin.


Meron kasing on the spot question and answer na nangyayari ngayon. Hindi manlang ako na-inform na may paganito pa pala. They asked me what or who inspired me to play and to join the team. Pagkarinig ko 'non ay agad na pumasok sa isip ko si Ned-Ned. Kasalukuyan kaming nandito sa dorm ng Blazing Phoenix. I never thought that I would be back here.


"This guy must be really special to you, huh?" sulpot ni Blaze na kasalukuyang naka-dekwartro sa di naman kalakihang sofa habang nakataas ang isang kilay.


Taray ah.


Ngumiti ako, "Oo, siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng interes sa mga ganitong bagay. Magaling kasi 'yon at marami na siyang napanalunan na mga liga doon sa probinsya namin kaya hangang-hanga ako sakanya at ginusto ko ding maging katulad niya," sagot ko.


"Actually, Northford is really my dream school because I want to be part of the Esports Major at napag-alaman ko ding dito daw nag-aral noon si Ned-Ned," I added.


"Asan pala siya ngayon?" tanong ni Modrad.


I shrugged, "Nandito siya sa Manila pero hindi ko alam kung saan,"


"Kailan ba kayo huling nagkita o nag-usap?" tanong pa ni Zero.


Napa-isip naman ako, kailan ba?


"Nong araw na bumyahe siya dito sa Manila, we were 11 years old that time. Pagkatapos 'non ay wala na akong narinig mula sakanya, hindi ko na nga alam kung ano na ang mukha niya ngayon eh," sagot ko.


It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now