08: It's On

129 8 0
                                        

THAMINA ⟢6:00 pm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THAMINA
6:00 pm

Lutang ako pag-uwi ng bahay. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko yung narinig ko kanina kina Tita at Mama. Gusto kong makatulong para sa pagpapalabas kay Lola sa ospital... pero paano? Ano bang ambag ko dito? Eh, palamunin lang naman ako.

Pagkabukas ko ng pinto, bumulaga agad ang tahimik na sala. Wala si Tita. Nagpa-iwan muna siya sa ospital. Ako lang ulit mag-isa rito. Dumiretso ako sa kusina, nagluto ng isang pirasong pancit canton. Habang kumukulo ang noodles, nakatingin lang ako sa kawali na para bang may sagot sa mga problema ko sa loob.

Pagkatapos mag-luto, naglinis ako ng katawan, nagbihis ng pambahay, at dinala ang pancit canton at isang basong tubig sa kwarto. Umupo ako sa kama, nakatitig lang sa pagkain ko hanggang sa maalala ko si Serine. Maybe she'd have an idea on how I could help. Hinanap ko ang number niya at tinawagan siya.

"Thams!"

Napangiwi ako. Pamatay talaga ang boses ng bruhang 'to.

"Anlakas talaga ng boses mo!" reklamo ko.

Tumawa siya. "Hindi ka pa rin nasasanay sakin! Oh, bakit ka napatawag? May problema ba? Don't tell me... in love ka na kay Blaze?"

"Ha?!" mabilis kong sagot, kumunot ang noo ko. "Sira ulo! Anong pinagsasasabi mo diyan?"

"Eh, nalaman ko kay Maze na magkatabi raw kayo. Siyempre, mahirap tanggihan ang kapogian ni Fafa Blaze." humalakhak siya.

Napangiwi ako. "Yuck! Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo."

"Asus! Yuck-yuck ka pa d'yan! Eh, katabi mo rin si Ezron, tapos si Zero pa! Grabe ka, haba ng hair mo, girl! Abot hanggang dito, oh!"

I made a disgusted face, even if she couldn't see it.

Napahawak ako sa noo. "Ewan ko sa'yo. Ang layo na ng pinag-uusapan natin! Pakinggan mo muna ako!"

"Fine, fine. Sige na, spill the tea."

Bumuntong-hininga ako at kinwento ko lahat—mula sa pag-uusap nina Mama at Tita hanggang sa kagustuhan kong makatulong.

"Eh, tulungan mo naman ako oh. Anong pwede kong gawin?"

"Hmm... Riding-in-tandem? O di kaya mang-holdap tayo? Mabilis ka namang tumakbo, diba?"

Napa-irap ako. "Hanep ng suggestion mo ah. Ang laking tulong, promise!"

"Pwede rin naman ibenta mo nalang 'yang isang kidney mo, in demand din 'yan ngayon. Don't worry may isa pa naman eh, mabubuhay ka pa niyan,"

Taena. Pigilan niyo ko baka masakal ko 'to ng wala sa oras.

"Nginang suggestion 'yan, pang grade 1."

Ilang segundo siyang natahimik. Akala ko pinatay niya na yung tawag, pero pagtingin ko ay nandoon parin naman siya.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Stories to obsess over. Discover now