(ON-HOLD)
ONLINE GAME ROMANCE
Blaze x Thamina
"I am the fire that cannot be tamed. I don't bow to rivals. I don't bow to defeat. But her? I'd bow willingly."
The gaming world was rocked by the launch of Operation: Warfare, an online multiplayer sens...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THAMINA ⟢ 7:02 am
"Aray!"
Bwesit na buhay 'to. Araw-araw nalang sinusubukan ang pasensya ko. Umagang-umaga palang, kamalasan agad!
Hinimas ko ang noo ko matapos mauntog sa pinto ng CR. Napatingin ako sa wall clock—thirty minutes na lang. Late na ako kung hindi pa ako kikilos. Pero heto ako, chill lang, parang wala lang. Ako na ata ang may pinaka-makapal na mukha sa buong mundo.
Binuksan ko ang aparador, and there it was—the Northford uniform. A white long-sleeve polo layered with a maroon vest, the school logo stitched on the left side. Below it, a shiny silver pin engraved with our names. Shet, lakas maka-Hogwarts.
The bottom part? A maroon pleated skirt, above the knee but not too short, paired with black knee-high socks at siyempre, black leather shoes. Kinuha ko ito lahat at agad na sinuot.
Kumaripas ako pababa ng hagdan, may suklay pang nakasabit sa buhok ko. Nadatnan ko si Tita Avie na abala sa kusina.
"Good morning po, Tita," bati ko.
Napalingon siya sakin at ngumiti, "Kumain ka na Thamina, anong oras na."
Umupo na ako sa mesa at halos malaway ako sa pagkain. Tinira ko agad lahat—di bale nang late, basta busog. After kumain, inayos ko ang sarili ko at naglakad na palabas.
"Sure ka ayaw mong ihatid kita?" tanong ni Tita.
Umiling ako, "No need, Tita. Mas kailangan po kayo ni Lola sa hospital. Pupunta rin po ako doon after school."
"Sige, basta mag-ingat ka, ha."
"Opo," sagot ko at umalis na. Nakahanap rin ako ng taxi agad. Habang nasa byahe, panay ang silip ko sa relo. Nakakahiya kung late ako sa first day as transferee.
Pagdating sa school, bumungad agad ang guard. "Good morning, Ma'am," bati niya habang kinakalikot na naman ang bag ko.
Napangiwi ako. Nong una kong pasok dito, ganito rin ang ginawa niya. May trust issues ata sakin si Kuya.
Pagkapasok ko sa campus, napatigil ako sandali. Kahit ang daming students, hindi pa rin napupuno ang buong lugar—sobrang lawak, sobrang sosyal, parang nasa ibang bansa.
Dumaan ako sa hallway and as expected—yung mga mata, parang CCTV na nakasunod lahat sakin. May mga nagbubulungan, yung iba halatang nagtsi-chismisan. Knew it. I am the star of the day.
Hindi ko sila pinansin. Dumiretso ako sa shed kung saan ko kikitain si Serine.
You: Asan ka na? Nandito na ko.
Serine is typing...
Serine: mlp8 na aq w8 lang!
Napailing ako. Tanginang typings 'yan. Pinatay ko ang phone at pinasok sa bulsa ng skirt ko. Sumandal ako sa pader habang naka-krus ang dalawang braso.