(ON-HOLD)
ONLINE GAME ROMANCE
Blaze x Thamina
"I am the fire that cannot be tamed. I don't bow to rivals. I don't bow to defeat. But her? I'd bow willingly."
The gaming world was rocked by the launch of Operation: Warfare, an online multiplayer sens...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THAMINA ⟢ 7:30 am
"Excited na ako mamaya sa exam!"
"Ito lang yung exam na excited ako hahahaha!"
"Sino kaya ang mananalo ano?"
"Swerte naman niya huhu,"
Bumuntong-hininga nalang ako dahil kahit nandito na ako sa labas ng classroom ay rinig na rinig ko parin ang ingay ng mga kaklase ko. Everyone is talking about the Recruitment Exam. Mamayang 11:00 am ito gaganapin. Saktong lunchtime para daw makanood ang lahat.
Sa totoo lang wala ako dito sa labas dahil naiingayan ako. Nandito ako para pakalmahin ang sarili ko. Simula ng maipasa ko ang application form ay hindi na ako mapakali. Bigla-bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko na alam ang ang nangyayari sakin. Nababaliw na ata ako!
"Blaze! sabihin mo na kasi. Kagabi pa ako hindi makatulog eh!"
Naputol ang moment ko ng marinig ang boses ni Modrad. Natanaw ko naman silang apat na kaka-akyat lang mula sa hagdan at patungo na dito sa direksyon ko.
"Harujusko! may tama ka diyan! kita mo tong mata ko?" wika pa ni Ezron habang pino-point out ang mata niyang ginawang tambayan na ata ng eyebags. "Binahayan na ng eyebags sa sobrang pago-overthink, Alpha! kaya sabihin mo na please!" ani pa nito pero dinedma lang siya ni Blaze.
Anong pinagsasabi ng mga 'to?
"Oh, Thamina! nandiyan ka pala," bungad ni Zero sakin dahilan para matigil ang dalawa sa kakakulit kay Blaze.
Ngumiti naman ako bilang tugon at hindi sinasadyang dumapo ang tingin kay Blaze na nakatingin na pala sakin. Napalunok naman ako at mabilis na binawi ang tingin ko. Tangina naman kasi, ba't ba ganyan siya tumingin? parang tumatagos sa buto. Kainis talaga.
"Ang aga-aga ang ingay niyo ah? anyare ba?" pag-iiba ko.
Narinig ko naman ang malalim na hininga ni Modrad, "Ito kasing si Blaze, ayaw sabihin samin kung sino si V—"
Hindi na natapos ni Modrad ang sasabihin ng agad na siyang niyakap sa likod ni Blaze sabay takip ng bunga-nga niya.
"Sa sobrang ingay mo parang gusto kitang yakapin hanggang sa mag-violet ka," sarcastic na sabi ni Blaze habang ang kamay ay nanatili parin sa bunga-nga ni Modrad na ngayon ay panay ang pagpupumiglas.
Nagpigil naman kami ng tawa na tatlo habang nakatingin sakanila.
"Bitawan mo na 'yan, nag-aagaw buhay na oh!" wika ni Zero at malakas na tumawa.