04: Encounter with the Fire

129 10 0
                                        

THAMINA ⟢9:19 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THAMINA
9:19 am

"Bilisan mo na! Asan ka na ba?" inis kong tanong sa kabilang linya habang nakasandal sa swivel chair.

"Otw!" mabilis niyang sagot.

"San banda?!"

Narinig ko pa yung mahina niyang tawa bago siya sumagot, "On the water HAHHAHAAAH!"

"Bwesit ka talaga!" halos pasigaw kong sagot. "Sabi mo bumabyahe ka na?! Shuta, trenta minutos na wala ka pa rin! Saang galaxy ka ba nanggagaling, ha?!"

"Over naman sa galaxy. Ito na nga, malapit na talaga!" sagot niya pa.

"Marami tayong pag-uusapan pagdating ko diyan!" dagdag niya bago pa ako makareklamo ulit.

Napairap na lang ako at pinatay ang tawag. Huminga ako ng malalim at binuksan ang PC ko. Forget it. Maglalaro na lang ako para mawala inis ko.

Besides, sampung gems na lang at makaka-draw na ako sa celestial event. Kung papalarin, makukuha ko na rin sa wakas yung celestial skin ni Iris.

Pag-click ko sa Ranked Mode, nagdasal ako na sana hindi i-ban si Iris. At salamat sa Diyos, hindi nga. Magwawala talaga ako dito pagnangyari 'yon.

Pagpasok ng game, mapayapa akong dumadaan sa upper lane nang biglang sumulpot ang isang assassin user at inatake ako.

"Putik!" agad akong umatras, buti na lang at malapit ako sa pillar kaya nakapasok ako. Hindi na niya natuloy yung assassination attempt niya.

Hiroshi: Target locked: Viper

Napataas ang kilay ko.

Imong mama target locked.

Napailing ako. Hay nako, isa na namang mayabang. Hindi ko siya pinansin at pinindot ko ang Switch Weapon Skill ni Iris. A bright red light appeared—grenade launcher equipped. Pinindot ko lang nang pinindot para i-clear ang minions. Mas effective kasi siya sa early game. Mabilis ito sa pag-clear ng lane.

Samantalang si Hiroshi? Nakaabang lang sa labas ng pillar.

"Tsk. Mag-jungle ka kaya kaysa bantayan ako rito?" bulong ko.

Crush ata ako nito, eh.

Nang mapansin kong wala na siya sa map, lumabas ako para pumatay ng monsters. I switched back to Iya, showered a jungle monster with bullets, and killed it within seconds.

Nilingon ko ang turtle area. Nakita kong papalapit si Hiroshi kasama ang isang mage. Nakikipaglaban sila sa core namin.

The mage was busy helping Hiroshi, which is a perfect target. I waited for the right moment, then gunshots. My bullet landed straight at it.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Stories to obsess over. Discover now