THAMINA ⟢
9:29 am"So, what are y'all waiting for? don't miss the chance to be part of the Blazing Phoenix!"
Halos lahat ay masaya at excited sa magaganap na Recruitment exam sa susunod na araw. Ang sabi ay kailangan lang daw sagutan ang mga questions sa Google Form na iu-upload mamayang gabi. Pagkatapos ay hihintayin mo lang daw ang confirmation na ipapadala sa iyong email if nakapasa ka sa standards nila. May kailangan kasing maabot na standards para tanggapin ka. Your rank should be from Ethereal Alpha down to Paragon only. Wala ng mas mababa pa sa Paragon.
Also, you should atleast have achievements in playing Operation: Warfare, like nanalo ka sa mga tournaments, or kahit may experience ka lang sa mga Esports competitions. Maliban sa kagustuhang maging member ng Blazing Phoenix, marami din ang gustong makasali sa Inter-school Esports League dahil sa kumikinang na cash prize. 200,000 pesos to be exact. Jusko po, kahit mismo ako ay nabulag sa laki ng halaga na makukuha kapag kayo ang nanalo.
"Paniguradong marami ang sasali sa Recruitment exam, ano?" wika ni Maze. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pabalik ng classroom.
Napatango naman ako, "A lot of students dreamed to be part of the Blazing Phoenix kahit temporary lang kaya paniguradong marami talaga 'yan,"
"But, if Blaze likes the one who got picked baka may chance na maging official member siya," ani nito.
Nagkibit-balikat nalang ako dahil hindi rin naman ako sure.
Napatingin ako kay Serine ng kalabitin ako nito.
"Sumali ka kaya? ang laki din ng cash prize. Hindi mo makukuha ang ganoon kalaking pera kahit araw-araw ka pa mag-live stream," bulong niya.
Kumunot naman ang noo ko. I have this side of me na gustong sumali meron ding hindi dahil kapag sumali ako malalaman na nila kung sino si Viper. Paniguradong magugulat sila pag nalaman nilang babae pala ang iniidolo nila. Tsaka, gusto ko ng mapayapang buhay 'no!
"Sige na, for sure ikaw talaga ang mananalo! ayaw mo 'non, malaki ang maitutulong mo sa lola mo if ever," dagdag niya pa at pasimple akong siniko.
"Ano ka ba! wala akong balak diyan," sagot ko at napakamot ng batok.
Sa totoo nga ay mamaya ko na kukunin ang pera na naipon ko sa pagla-live stream. It's just 10,000 pesos. Totoo na maliit lang ito kesa sa cash prize na makukuha sa tournament pero malaki na rin ang maitutulong nito para sa bills ng Lola ko.
"Hoy! anong binubulong-bulong niyo diyan? ano ba 'yan left out na ako!" parang batang sulpot ni Maze.
Tinawanan lang siya ni Serine, "You'll know soon!"
"Grabe! may pa mysterious effect pa, ano ba 'yan?" tanong pa nito.
Tinapik niya ang balikat ni Maze, "Basta! in the right time," wika nito at kinindatan lang siya.
Ngumuso si Maze at pinag-krus ang dalawang braso, "K fine,"
Tinawanan nalang namin siya ni Serine hanggang sa naka-abot na kami ng classroom.
YOU ARE READING
It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Blaze x Thamina "She is my Alpha and Omega..." "... my beginning and my end." The gaming world was rocked by the launch of Operation: Warfare, an online multiplayer sensation. Amidst the popularity of the game, one mysterious pla...