09: First Match

125 10 0
                                        

THAMINA ⟢7:23 pm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THAMINA
7:23 pm

You are now online!

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang unti-unting pagdami ng viewers sa livestream ko. Nakikita ko ang mga pangalan nilang nagsusulputan sa gilid ng screen at ramdam ko agad ang excitement. Pinindot ko ang maliit na mode icon sa lower right side ng monitor at agad namang lumabas ang apat na mode na pagpipilian.

Capture the Flag.

Warfare Mode— the ranked mode.

Last Man Standing.

And, of course, the Custom Mode.

Napanguso ako. Ano kaya ang magandang laruin ngayong gabi?

Maybe I should ask the viewers, right? Para naman may konting interaction. Agad akong tumipa sa comment section.

Viper:
What mode should I play tonight?

Ilang segundo lang ay bumuhos na agad ang iba't ibang reactions at comments. Binasa ko ito isa-isa.

Angel44
Rank mode pleaseeee!

_Killian6
What if Last Man Standing?

Gwenchanateneneng
Wait kinikilig ako pero rank mode sana hehehehe...

Serena_98
Rank mode na 'yan!

Gameaddict12
Capture the flag... tapos i-capture mo na rin ang heart ko, lods.

Napa-iling ako at natawa nang mahina. "Grabe, iba talaga ang trip ng mga viewers ko. Kung ano-ano." I kept scrolling but it was obvious—karamihan Rank Mode ang gusto nila.

So, I guess I have no choice but to play the rank mode.

Nag-type ulit ako.

Viper:
Alright then, we'll play rank mode tonight :))

Mabilis ding dumating ang mga sagot:

"Shet, pogi typings!"

"Crush na ata kita, Viper!"

Napatawa ako. Pag nalaman nilang babae ako, lugmok lahat 'to.

Since rank mode ang pinili nila, pinindot ko na agad iyon. Dinala ako sa lobby at pinindot ko ang enter. Ilang segundo pa, nag-start na ang matchmaking hanggang sa nakumpleto ang team.

The Enemy is banning!

Nanlaki ang mata ko nang makita ang username ng isa kong kalaban.

OH MY GOSH. TOTOO BA 'TO?!

Inilapit ko pa ang mukha sa screen, baka namamalik-mata lang kasi ako. Pero hindi. Shet! Totoo talaga! The username... it's him.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Stories to obsess over. Discover now