THAMINA ⟢
2:00 pm"Defeat me first and you'll get your reward, Love."
After saying those words he pulled himself away from me. I saw a smirk on his face as we faced each other.
TANGINA!
Sinasabi ko na nga bang hindi kami magki-kiss eh!
I mean, hindi sa gusto kong halikan niya ako ah? My point is nangyari na din 'to noon sa kwarto niya ng gumawa kami ng project. The scene was exactly like this before. Palagi niya talaga akong pinapaasa at 'yon ang dahilan kung bakit ako nang-gigil sakanya!
Tapos potangina may pa love-love pa siyang nalalaman?
Counted ba 'yon?!?
"Get ready, I'm just stepping out for a bit and when I get back, we'll start the game," wika niya at agad akong tinalikuran.
Marahan kong sinipa ang paanan ng gaming chair ng masigurado kong nakalabas na siya. He's so annoying! Ang dami niya talagang ideya para bwesitin at pahirapan ang buhay ko!
Pabagsak nalang akong umupo at pinaikot-ikot ito. Hingang malalim, Thamina. Kalma ka lang. May araw talaga ang lalaking 'yan sakin.
Naudlot ang pagmumuni-muni ko ng bumukas ulit ang pinto. Napatingin ako doon at nakita ko siya na niluwa nito.
Nakasuot na siya ngayon ng pambahay na damit. Simple grey sweatshirt at pinaresan niya din ng grey na shorts. Kainis! ang kinis at puti ng paa niya. Mas ma kinis pa ata sa buong pagkatao ko eh.
Putangina naman! ba't ba kahit anong suotin niya bagay sakanya?!?
"Stop staring and open your computer," bored niyang sabi.
Napakurap-kurap naman ako at hinarap ang computer. Pasimple long kinurot ang sarili. Umayos ka nga, Thamina! sarap mong batukan, eh! Sumide-eye ako sakanya na umupo sa sarili niyang computer at binuksan ito.
"Dito ka." rinig kong utos niya.
Mabagal naman akong napatingin sakanya, "H-ha?"
"Bingi? sabi ko dito ka," sagot niya naman at tinapik-tapik ang bakanteng upuan na nasa gitna namin.
"Bakit? eh, upuan 'yan ni Zero—"
"Edi, ipalit natin." he cut me off and stood up. "Tayo," utos niya nanaman.
"Ano bang ginagawa mo?!" naiinis ko ng sabi. Ano bang pumasok sa kokote nito at gusto niyang ipalit ang upuan namin ni Zero? pano kung magalit si Sir Gio? Arghh!
"Stop talking and do as I say!" medyo tumaas ang tono ng pananalita niya at inalog-alog ang sandalan ng upuan ko.
Kahit ayokokong sumunod ay ginawa ko nalang. Padabog akong tumayo at pinanood siyang ipalit ang dalawang upuan. Nang makatapos ay umupo na siya ulit at tumingala sakin. Sinenyasan niya na akong umupo na agad ko namang sinunod. Wala na akong energy para makipag-sagutan pa sakanya.
YOU ARE READING
It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Blaze x Thamina "She is my Alpha and Omega..." "... my beginning and my end." The gaming world was rocked by the launch of Operation: Warfare, an online multiplayer sensation. Amidst the popularity of the game, one mysterious pla...