027: Rumor

5 4 0
                                    

THAMINA
9:24 am

THAMINA ⟢9:24 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━ ━ ━ ━ ━ ━

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




━ ━ ━ ━ ━ ━


"Tangina talaga! kung minamalas ka nga naman, oh!" hirit pa ni Modrad na magka-krus ang dalawang braso habang apuradong nakatingin sa computer screen.


Pano ba naman kasi, yung tinatawag nilang mga hambog na aso ang kalaban namin, yung the Howling Dogs. Sila daw yung palaging nakakalaban ng team every Inter-school tsaka yung leader nila ay yung lalaking lapit ng lapit sakin kanina doon sa meeting.


"Ihanda niyo na yang mga tenga niyo sa madugong trashtalk-an!" ani pa ni Zero dahilan para sabay na mapa-ismid sina Ezron at Modrad. Si Blaze naman ayon, kalmado lang. Aakalainin mong nasa spa sa sobrang kalma, eh.


Pasimple akong humarap kay Zero, "Ganyan ba talaga si Blaze kapag naglalaro? masyadong kampante?" bulong ko.


Tipid na ngumiti si Zero at tsaka tumango, "Oo, never pang pumatol sa trashtalk-an 'yan o kahit sinigawan manlang kami habang naglalaro. He still gives a clear instruction and a calm mood kahit nasa kalagitnaan na kami ng pagkatalo, samantala kami halos mabuang na." sagot niya dahilan para matawa ako ng bahagya.


Sabagay, nong una kong nakalaro si Blaze that time nong nag-livestream ako ay hindi manlang niya sinuway ang tatlo na kahit nasa kalagitnaan na ng clash ay nagawa pang mag-away at mag-asaran sa chat. Then nong nag-1v1 kami dito sa Training Room ay wala din akong naramdaman na kahit anong emosyon o gigil nong natalo ko siya sa pangalawang round.


"Sometimes I thought na kaya kami nananalo is because of his calmness. Nagagawa naming solusyonan ang laro dahil sa kalmado niyang pagbigay ng instructions," dagdag pa niya.


Napasulyap ako kay Blaze at nahuli ko siyang nakatingin samin ni Zero. Agad niya namang iniwas ang tingin sakin at binalik ang atensyon sa screen.


Hindi ko na rin siya pinansin at malalim na bumuntong-hininga habang unti-unti ng umabot ng 100% ang countdown. I'm using Iris today dahil importante tong laro na 'to sakin. First time kong makalaro ang apat ng magkasama sa iisang kwarto at magkalapit na computers, idagdag mo pa na kalaban namin ang magiging kalaban din namin sa Tournament. If I'm using Iris, alam kong malaki ang chance na mananalo kami.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 11 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now