013: With the Fire

135 8 2
                                        

THAMINA ⟢7:27 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


THAMINA
7:27 am

"Thamina, kamusta?"

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Lola nang bumukas iyon at lumabas si Tita. Ngumiti siya nang makita ako.

"Okay lang naman po. Napakain ko na po si Lola," sagot ko, sabay sulyap kay Lola na nakatulog habang bukas pa ang TV.

"Sige, ako na bahala rito. Mukhang may pupuntahan ka pa," ani Tita at ginulo pa ang buhok ko bago kinuha ang remote at pinatay ang TV.

Napababa ako ng tingin sa suot ko—kakatapos ko lang maligo at magbihis. Sunday ngayon, at ako ang naka-duty sa pagbabantay kay Lola kahapon kaya dito na rin ako natulog. Ngayon din namin gagawin ni Apoy ang project namin. Kanina pa nga ako ginugulo sa chat kung nasaan raw ako. Miss na ata ako... in an irritating way.

"Ah opo, gagawa po kami ng project," sagot ko habang isinisilid ang gamit sa bag.

"Mag-iingat ka ha?"

Ngumiti ako. "Mauuna na po ako, Tita. Sabihan niyo na lang po si Lola."

Pagkalabas ko pa lang ng hospital, halos lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil baka mainis nanaman sakin ang kontrabida ng storyang 'to.

Ting!

Ting!

Ay put—napaka-atat talaga nito!

Blaze Fièrro
Asan ka na?

Tumipa naman ako. Hindi ko na mabilang kung nakailan na siya ng tanong sakin kung asan na daw ako.

You
Sa pwet mo, nagkakape.

Bwesitin ko kaya 'to?

Natawa ako sa naisip kahit alam kong pagsisisihan ko din 'to mamaya. Sige lang, mamaya pa naman 'yon.

Blaze Fièrro
Is that suppose to be funny?

Ngumisi ako.

You
Bakit sinabi ko bang matawa ka?

Blaze Fièrro
Stop talking nonsense. Bilisan mo na. Naiinis na 'ko.

Eh di mainis ka. Pakialam ko sayo.

You

You

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Stories to obsess over. Discover now