(ON-HOLD)
ONLINE GAME ROMANCE
Blaze x Thamina
"I am the fire that cannot be tamed. I don't bow to rivals. I don't bow to defeat. But her? I'd bow willingly."
The gaming world was rocked by the launch of Operation: Warfare, an online multiplayer sens...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THAMINA ⟢ 6:34 am
Finally, it's Friday! Isang araw nalang at makakapagpahinga na rin sa wakas. Dali-dali akong naligo at nagbihis ng uniform. Speaking of uniform— yung vest pala ni Zero.
Mabilis akong bumaba ng kwarto at kinuha yung vest niya mula sa sampayan. Nilabhan ko 'to kagabi bago ako matulog. Nilapag ko muna sa sofa at nilagyan ng pabango. Siyempre dapat mabango 'to bago ko ibalik, para maka-hiram pa ulit ako next time. Eme.
Maingat ko itong tinupi at isinilid sa bag ko. Nagluto lang ako ng ulam, mabilis na kumain, then kinuha ang bag ko. Mukhang walang balak umuwi si Tita ngayong araw kaya ako lang mag-isa.
Nagpara ako ng taxi papuntang Northford.
"Bayad po," abot ko sa driver nang makarating sa school.
Pagdating sa gate, pinakita ko ang ID ko sa guard at chineck din ang bag bago ako pinapasok.
Paglakad ko sa loob, sabay-sabay kong narinig ang bulungan ng mga estudyanteng nakakasabay ko.
"Grabe yung game kagabi ni Viper 'no?"
"As in si Blaze agad kalaban niya sa first live?"
"I can't believe she did that to Blaze!"
"Angas nila pareho! Sana may rematch."
"Ano kaya ang reaction ni Blaze?"
Napangiti ako. Kahit bwesit na bwesit ako kagabi kay Blaze, aminado akong nakatulong siya sa pagpaparami ng viewers ko. Ang daming stars na natanggap ko, and for sure, malaki-laki rin 'yon kapag na-convert na sa pera.
Speaking of Blaze, hindi parin ako makapaniwala na inaya niya ako ng isa pang game mamayang gabi. Imagine, hindi siya nagalit kahit pinahiya ko siya? Inaya niya pa talaga ako. So yes, I was already planning to stream again. It was the perfect chance to grow my audience and earn even more money.
Pagpasok ko sa classroom, sinalubong agad ako ng titig ni Blaze. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at yumuko papasok. Ang hilig niya talagang tumitig.
Ezron shifted to give me space, letting me slip into my chair. For a moment, my gaze flicked back to Blaze. As usual, he was expressionless. Hindi ko mabasa kung hindi ba siya affected sa pagkatalo niya kahapon. Kaloka! Parang wala lang sa kanya.
Napatingin naman kami sa pumasok dahil sobrang ingay nila.
"Sana mag-live ulit si Viper, grabe!"
"Oo nga, nag-enjoy ako kagabi!"
"Ang astig ng tandem nila ni Blaze, no?"
Their voices were loud enough for the whole class to hear. Soon, the whispers turned into a buzz.
Psh. Tandem agad? Asa sila. Baka nga hayaan lang akong mamatay nito, eh.