(ON-HOLD)
ONLINE GAME ROMANCE
Blaze x Thamina
"I am the fire that cannot be tamed. I don't bow to rivals. I don't bow to defeat. But her? I'd bow willingly."
The gaming world was rocked by the launch of Operation: Warfare, an online multiplayer sens...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THAMINA ⟢ 11:45 am
"Thams, kumain ka na nga."
Tinapunan ko ng tingin si Serine na halos mabutas na ang pisngi sa dami ng pagkain na siniksik niya sa bunganga.
"Don't mind me," sagot ko habang muling pinupunasan ng tissue ang screen ng cellphone ko. Kahit may crack na, sinisiguro kong malinis pa rin.
"Ano bang nangyari, Maze?" tanong niya sa isa pa naming kasama na tahimik lang na kumakain.
At ayun na nga, naging isang grupo na kami. Nagulat pa nga si Serine kasi naging kaibigan ko ang kapatid ng isang member ng Blazing Phoenix. She even said Maze is kind of famous here because of her brother.
Napatingin sakin si Maze na parang humihingi ng permiso kung ikukwento ba niya o hindi.
I sighed and motioned for her to tell it. Alam ko naman na hindi ako tatantanan ni Serine hangga't hindi niya nalalaman ang isang bagay.
"Ito kasi 'yon. Kanina sa klase namin sa Art, nagtanong yung Prof. namin about love and art and how they are connected to each other," panimula ni Maze.
"Oh, tapos?" tanong ni Serine sabay kagat sa burger.
"Ayon, si Sabrina ang sumagot."
Halos malaglag yung burger sa kamay ni Serine. "Sabrina Delleva? The self-proclaimed Queen Bee?"
Psh. Queen bee? Sabagay, mukha naman talaga siyang bubuyog.
"Siyempre sino pa ba? So ayon na nga, siya yung sumagot pero hindi kontento si Prof. Kaya tinawag niya ang transferees. At ayun, ang friendship na nga natin ang sumagot," pagpapatuloy ni Maze.
Namilog ang mata ni Serine. "Tapos, tapos?!"
"Wait lang kasi, mauubusan naman ako ng hininga sayo," reklamo niya bago humugot ng malalim na hangin. "So ayon, Thamina just shared her opinion and her own definition. Alam niyo naman si Sabrina, inggitera at bida-bida, kaya sumulpot siya while Thamina was still speaking."
"Aba, kainis talaga 'yang si Sabrina. Grrr! Pag ako napuno diyan, ewan ko nalang talaga!" komento ni Serine.
Kung ako rin mapuno, baka hindi ko na alam ang gagawin ko sa bruhang 'yon.
"Anyway, continuation. Thamina got the Prof's praise kasi bullseye yung sagot niya. Pero then this happened—kinuwento lang to sakin ni Thamina kanina kasi pinilit ko rin naman siya. While nasa CR ako, tinapik ni Sabrina yung phone ni Thamina, nahulog, nabasag yung screen, tapos she even threatened her," dagdag ni Maze.
"Really!?"
"Real na real."
"Aba, the nerve of that bitch! Hindi ko ugaling makisawsaw sa mga inaaway ni Sabrina, pero pag ikaw ang target niya Thams..." itinuro niya ako gamit ang kutsara, "Ako mismo ang sasabunot sakanya."