017: The Announcement

35 5 0
                                    

THAMINA
7:29 am


Kumunot ang noo ko ng makita ang mga estudyante na nagkukumpulan sa announcement board. Sinubukan kong silipin kung anong meron doon. Baka may nahimatay na o di kaya may nagra-rambol pero sadyang hindi ko makita dahil sa sobrang dami nila.


I just shrugged and went on my way. Hay, inuugali ko na talaga ang pagiging chismosa. Pagpasok ko ng classroom ay agad na bumungad sakin ang yakap ni Maze.


"Bakla ka! kamusta ka?" mahinang tanong niya. Nakaharap siya sakin habang ang dalawang braso nito ay nakapatong sa sandalan ng upuan niya.


"Alam mo?"


Inirapan niya ako, "Oo! kinuwento sakin ni Kuya kagabi. Hatinggabi ba naman sinermonan ako na huwag na huwag daw maglakad ng mag-isa sa gabi kung ayaw ko daw matulad sayo. Mabuti sana kung may Blaze na sasagip sakin, pero wala huhuhu," wika niya habang umaarteng umiiyak.


Mahina akong natawa at umiling nalang.


"Pero seryoso, kamusta ka?" tanong niya ulit.


Nilagay ko ang bag ko sa upuan ni Blaze dahil wala pa naman siya at muling tiningnan si Maze.


"Okay lang naman, medyo na trauma sa nangyari pero tuloy parin ang buhay," sagot ko.


She sighed, "Good thing Blaze was right on time, kung hindi, jusko! baka hindi ka na virgin ngayon teh!" wika niya. "Okay sana kung pogi yung mga tambay na 'yon kaso chaka!" dagdag niya.


"Baliw!" singhal ko.


Tumawa lang siya.


Kinuha niya ang cellphone at may tinipa, "Hay, nako! ang tagal na nating magkakaibigan ni Serine, halos araw-araw na nga tayong magkasama pero wala parin tayong GC!" ani niya habang nakapokus parin sa cellphone. "Done! gumawa na ako ng GC para sating tatlo. You know, para hindi tayo mahuli sa chismis ng isa't-isa," dagdag niya pa at bumungisngis.


"Chismosa ka talaga eh, 'no?" natatawa kong tanong.


She flipped her hair, "Duh! anong ako lang? tatlo tayo!" she said and we both laughed.


Ilang minuto ang nakalipas at nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Parang biglang sumama ang ihip ng hangin pagka-pasok ni Sabrina kasama ang dalawang alipores nito. Hawak-hawak ng isang alipores niya ang gawa nilang paper machè at maingat na nilapag ito sa desk nila. She gave me a glare and rolled her eyes after.


Pasimple rin akong umirap at binaling nalang ang atensyon sa wall clock.


Himala nauna ako sa tatlong ugok na 'yon. Asan na kaya sila?


Speaking of the devils...


Napatingin kaming lahat sa pinto ng sunod-sunod na pumasok ang tatlong miyembro ng Blazing Phoenix. Dire-diretso sila dito sa pwesto ko not minding the greetings and screams of our classmates.


"Hoy! bakla, kamusta?" bungad ni Ezron. Hindi pa nga siya naka-upo ay ako na agad ang tinanong niya.


"Okay lang naman," nakangiti kong sagot.


Napatingin ako kay Blaze na magulo ang basa pang buhok at yung mga mata niyang namumula pa at yung eyebags niyang bahagyang lumaki. Parang eyebags na may konting mata, charot.


"Ba't natagalan kayo? anyare diyan?" sunod-sunod kong tanong at pasimpleng sumulyap kay Blaze.


Ezron let out a frustrated sigh, "Harujusko! inumaga ng gising si Alpha kanina kaya hinintay pa namin. Mukhang walang tulog eh, tapos nagkaroon pa kami ng meeting na mga members ng Esports major," sagot niya.


It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now