011: Ally

94 7 0
                                        

THAMINA ⟢5:58 pm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THAMINA
5:58 pm

"Thamina, ikaw muna ang magbantay sa Lola mo bukas, ah? Magpapahinga lang ako," bungad ni Tita pagkadating ko pa lang ng kwarto.

Nag-alinlangan akong tumango. Bukas din kasi namin balak gawin ang project namin. Pero hindi pa rin naman sure 'yon since hindi pa nagcha-chat si Blaze tulad ng sinabi niya kaninang umaga.

Ewan ko ba kung may gana pa siyang makipag-usap matapos ang eksena kanina sa cafeteria. Hindi na nga siya pumasok sa hapon at doon na lang daw tumambay sa dorm nila—na dito ko lang nalaman na nasa loob din pala ng school. According to Ezron, ginawa talaga 'yon para sa buong Blazing Phoenix team bilang preparation sa nalalapit na Inter-school Esports League. Mala-bahay na dorm, exclusive para sa kanila.

Buti na lang at may naihiram akong extra uniform kay Maze. Palaging handa kasi ang babaeng 'yon. Napatingin ako kay Lola na mahimbing na natutulog. Hinaplos ko ng dahan-dahan ang naghahalong puti at itim niyang buhok.

Konting tiis na lang, La. Malapit ka nang makalabas dito.

"Bibili lang ako ng gamot sa pharmacy, iwan muna kita dito ah?" dagdag ni Tita bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naiwan akong mag-isa kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko.

Shems, wala pa ring chat mula sa kanya. Pero teka... bakit ko ba hinihintay ang chat niya?

Tange! Para sa project niyo, hello? Ano pa nga ba.

Pero ang tanong—matutuloy pa kaya ang laro namin? Mukhang bad mood talaga ang apoy na 'yon kanina. At sino ba naman kasi ang may kasalanan? Siya din naman, bakit ba kasi andoon siya sa likod namin? Kidding. Si Sabrina talaga ang may kasalanan. Ewan ko sa babaeng 'yon—kulang ata sa pansin kaya doon sa school nagpapa-pansin.

"Ay kalabaw!"

Napasinghap ako. Akala ko kung ano na—'yung cellphone ko lang pala nag-vibrate. Tiningnan ko agad. At speaking of apoy—nag-chat na siya!

Blaze Fièrro: We'll start tomorrow, 9 am. Dito ka na dumiretso sa school, gets?

seen.

Wow naman. Ang bilis maka-utos ah.

I immediately typed back, letting him know I couldn't make it tomorrow since I had to watch over Lola.

You: Hindi ako pwede bukas eh.

sent.

My foot tapped against the floor while I waited for his reply, heart pounding for no reason. Bakit ba ako kinakabahan? Mas importante si Lola kesa sakanya. Bahala siya kung ayaw niyang pumayag. Hindi ko naman siya tatay.

The phone buzzed again. I opened it and read his reply.

Blaze Fièrro: And why is that? Sa lunes na 'yon ipapasa. Hindi sapat ang isang araw para matapos 'yon. Ano akala mo satin, si Flash?

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now