014: Deimos

47 6 2
                                    

THAMINA
9:10 am


"Uy! Alpha—"


"Where's Gio?"


Natahimik bigla si Modrad ng hindi pansinin ni Blaze ang bati nito.


Sino nanamang Gio 'yan?


"B-bakit?"


"Just tell me where the fuck is he?!"


Kakarating lang namin dito sa dorm nila galing sa mall. Simula ng mag-kita si Blaze at Ace ay bigla nalang nag-init ang ulo nito at bumalik nanaman sa usual nitong ugali, mas lumala pa nga ngayon.


"A-ah, andoon sa training room—"


Hindi na pinatapos ni Blaze si Modrad at nag-marcha papunta sa kung saan man ang training room nila.


"Anyare nanaman doon?" tanong ni Zero na kasalukuyang naka-upo sa sofa.


Nag-kibit balikat nalang si Modrad habang si Ezron naman ay napatingin sakin. Present silang lahat dito sa dorm.


"Ba't ang laki ng bag na dala mo, Thamina? magpapa-ampon ka ba?" wika ni Ezron.


Natawa naman ako at napatingin sa backpack na puno ng damit ko, "Hindi 'no, buong magdamag kasi ako sa Hospital," sagot ko.


"Hospital? may nangyari ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Zero.


"Baliw, hindi! yung Lola ko yung nasa hospital, inalagaan ko lang." sagot ko.


Sabay naman silang napa ahh.


"Diba magkasama kayong bumili ng materials para sa project niyo? anong nangyari 'don? parang kanina lang good mood 'yon bago umalis dito tapos ngayon umuwing bad mood," pagiiba ni Modrad.


Napayuko naman ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanila yung nangyari kanina o si Blaze na mismo ang dapat mag-sabi sakanila.


"Thamina? can you tell us what happened?" Zero asked.


Napalunok ako, "D-dapat siya mag-sabi 'non sa inyo," sagot ko.


Nagkatinginan naman silang tatlo.


"Ano ba yung nangyari?" tanong ulit ni Modrad.


I gulped once again and sighed, "N-nakita kasi namin sa mall kanina si... A-ace," nag-aalangan pa ako bago ko nasabi ang pangalan nito.


Nanlaki ang mata nilang tatlo at sabay ding nakatinginan, "Ace? as in Ace, Ace?!" hindi makapaniwalang tanong ni Modrad.


Tumango naman ako.


"The nerve of that bastard to show his face," Zero said while gritting his teeth.


"Pupuntahan ko lang si Blaze," wika pa niya at tumayo mula sa pagkaka-upo at sinundan na nga ito.


Bumuntong-hininga si Modrad, "Alis na din muna ako, badtrip." inis ding sabi nito at lumabas ng dorm leaving me with Ezron.


"Hay nako, panira talaga ng mood ang Ace na 'yan," he said. "Upo ka muna dito, teh." wika niya at tinuro ang upuan sa tabi niya.


Lumapit naman ako sakanya na kasalukuyang naka-upo sa kitchen bar. Nilapag ko ang dalang bag sa katabi kong upuan at pinatong ang mukha sa palad ko.


It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now