THAMINA ⟢
9:00 pmHindi pa ako makatulog kaya napag-isipan ko munang magscroll-scroll sa account ni Blaze. Uy! hindi ako stalker, ah? I mean— oo, parang ganoon na nga. Pero hindi ko talaga ugaling mang-stalk. Napag-isipan ko lang talagang tignan yung account niya. Sa tagal na naming magkakilala at halos araw-araw na din kaming nag-uusap dito sa social media eh, ngayon ko lang talaga 'to naisip.
♡ serinelovesu, mazein23 and 789, 234 others likes this post...view all 134, 900 comments...
Tamo, siraulo talaga.
Yung tipong sukong-suko ka na sa buhay tapos nakita mo pa tong post niya. Imbes na mamotivate kang mabuhay eh, mas gugustuhin mo nalang mamatay.
Napa-iling nalang ako.
You reacted on Blaze's photo!
"Ay, putakte!"
Bigla akong nagulantang ng mabasa ko ang notification na 'yon. Dali-dali kong binawi ang react sa picture ni Blaze.
Peste.
Magso-scroll lang sana ako eh. Baka akala ni Blaze sino-stalk ko siya.
Gaga! eh, ano yang ginagawa mo, aber?
Bwesit talaga.
Mabagal kong ginalaw ang daliri ko pataas ng screen, baka kung ano-ano nanaman ang mapindot ko. Namangha ako sa susunod na post na nakita ko. It's Blaze with Zero, I think.
♡ mazein23, serinelovesu and 986, 005 others likes this post...view all 234, 088 comments...
YOU ARE READING
It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Blaze x Thamina "She is my Alpha and Omega..." "... my beginning and my end." The gaming world was rocked by the launch of Operation: Warfare, an online multiplayer sensation. Amidst the popularity of the game, one mysterious pla...