020: Recruitment Exam

77 7 4
                                    

THAMINA ⟢11:23 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


THAMINA
11:23 am


HALOS lumuwa na ang mga mata ni Maze sa gulat dahil sa sinabi ko. Nakanga-nga pa siya at kulang nalang pasukan na ito ng isang tribo ng langaw.


Mabagal siyang kumurap-kurap at malakas na tumawa, "Wee? ikaw si Viper—" hindi niya natapos ang sasabihin ng mabilis na tinakpan ni Serine ang bunga-nga niya.


"Yung bunga-nga mo talaga walang preno!" singhal nito at agad na pinakawalan si Maze.


Napakamot siya ng ulo, "Ihh! seryoso nga? ikaw talaga? baka jino-joketime niyo lang ako!" wika niya at bahagya pang natawa.


I gave her a serious face to show her that I am dead serious. Bumaling ang tingin niya kay Serine na parang naghahanap ng rason para kumbinsihin ang sarili niyang maniwala sakin.


"Talaga?! totoo? as in nesfruta real na real?" gulat niyang tanong at inilapit pa ang sarili sa mesa.


"Oo nga teh, mas real pa sa kilay ni Sabrina." naiinis na sabi ni Serine.


Napatakip siya ng bunga-nga at biglang tumayo sa kinuupuan niya at tumungo sa gawi ko. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.


"Oh my gosh! I never expect that you're Viper, Thamina! ackkkk! who wouldn't imagine that I'm already with the most famous player of Operation:Warfare? at bestfriend ko pa!" bulalas niya.


Natawa na lamang ako at napa-iling. Bumalik naman siya sa kanyang upuan at muling tumingin sakin.


"Bakit ngayon niyo lang sinabi? wala ba kayong tiwala sakin?" nakanguso niyang tanong. "Hindi naman ako mukhang adik. Si kuya lang, oo." wika niya pa dahilan para matawa kami lalong-lalo na si Serine.


"Sira! eh, diba kambal kayo? edi pati ikaw!" natatawang sabi ni Serine.


"Eww! kahit na!" depensa naman nito.



"Anyways, ayaw lang kasi ni Thamina na may maka-alam dahil gusto niya daw ng mapayapang buhay. Ayaw niyang pagkaguluhan ng mga tao o di kaya pag-usapan, and she's overthinking na baka umiba ang tingin sakanya ng lahat pag nalaman nilang babae si Viper," pag-iiba ni Serine.


"Ano ba, Thamina! ano ngayon kung babae ka? atleast you have the skills that most men do not possess, ang galing-galing mo kaya! mas magaling ka pa nga kay Kuya eh," natatawa niyang sabi.


"Ewan ko sayo," sagot ko at sinimulang kainin ang baon ko.


Umusod si Serine papalapit sa mesa at diretsang tumingin sakin, "Since alam na ni Maze, baka pwede na siyang tumulong para kumbinsihin kang sumali sa Recruitment Exam," nakangisi nitong sabi at nakataas-baba pa ang dalawang kilay.


It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now