Chapter 38 - Run Baby Run

263 8 5
                                    

Reina Light

"Tsk!" Palatak ko pagkasakay ko sa loob ng elevator. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at nagkwento ako kay Michy kanina? Dammit! Masyado ata akong nadala sa magandang balitang hatid ni Steph.

Speaking of Steph, ang aming teacher may lovelife na! I'm so happy for her, though si Toffer yun, ang hirap maging kampante. I have to keep an eye on him, dahil isang kibot lang, putol ang junior niya sa'kin.

Si Steph may love life na. Si Maia kita na ang liwanag, may Ichiro na. Si Michy, in denial lang pero alam kong mahal niya si Russo at kung hindi man andiyan si Wade sa tabi-tabi.

Well, masaya ko para sa kanila. I'm happy, I really am, but I won't deny that I'm a little bit jealous of them. Ilang linggo na ba ng nakakalipas? Simula ng umuwi kami, hindi na muling nagtagpo ang landas namin ni Drexel. Siguro nga mas maganda na 'to, pero hindi ko pa ring maiwasang malungkot. Naman kasi, bakit ba nagkagusto pa ko sa kanya? Parang dati lang akala ko bakla siya, tapos ngayon gusto ko na siya. Si Wade naman parating busy, ni hindi na nga kami nagkakapag-usap.

9 planets, 204 countries, 809 islands, 7 seas and 6 billion plus people . . . And I'm single. 'Asan ang hustisya? Hay love life ba't ba ng ilap mo?

Yumuko ako para tignan ang wrist watch ko, 11:45pm na pala, hindi ko man lang namalayan. May tinapos pa kasi kong trabaho kaya hindi agad ako naka-uwi. Nakatingin ako sa relo ko nang biglang bumukas yung pinto ng elevator sa 17th floor. I looked up, para salubungin nang tingin ang mga singit na mata ng kapatid ni Ichiro, behind him is Sir Damon. Nang tumama ang mata ng huli sa'kin ay bahagya pa itong nagulat pero ngumiti rin naman agad.

"Good evening Sir," bati ko sabay yuko, gumilid rin ako para bigyan sila ng daan. Napakagat ako ng ibabang labi, simula ng huli kaming mag-usap sa office niya ay iniiwasan ko na siya. Hindi ko alam, pero malakas ang kutob kong alam niya ang sikreto ko. Sinilip ko si gwapong hapon sa gilid, bakit kaya sila magkasama ni Sir?

"Ginagabi ka ata Reina, mukhang pinapagod ka ng kapatid ko ah." Nilingon ako ni Sir Damon, sa unahan ko kasi siya nakapwesto.

"Naku hindi naman po Sir," ani ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Anata wa nani nit suite hanashite imasu ka?" [What are you talking about?] singit ng kapatid ni Ichiro, nakalimutan ko agad pangalan niya, Japanese kasi e. He had this cold, husky voice that will make any woman shiver. Napansin ko na rin yun nung unang beses kami magkita. I look at him; he's wearing a checkered polo na bukas lahat ng butones, black sando yung panloob niya. He still has those spiky arm bands in both his wrist and the silver dog tag. Mukhang hindi marunong magtagalog tong si hapon number two, hindi katulad ni Ichiro at ng kambal.

Muli kong sinilip ang mukha niya pero nakatingin na pala to sa'kin kaya napangiti ako bago ako nag-iwas ulit ng tingin.

Pusang gala, feeling ko masu-suffocate na ko sa kagwapuhan ng mga kasama ko sa loob ng elevator. Isang imported at isang local. Kaloka, kung sinuswerte ka nga naman.

"Nani mo, I'm just greeting her back. Anyway Reina, this is Ueda Satoshi, Ichiro's big brother. Satoshi this is . . ." [nothing]

"Reina, we've met. Kanojo o mitsukete, sore mo nagaku wa kakarimasendeshita." [Found her, and it didn't even take long.] Napalingon ako sa kanya, he remembers me? Kinilig naman ako do'n. Pero ano yung idinuktong niya? I looked at Sir Damon in puzzlement, but he only smiled at me.

"Kanojo wanai, utsukushi-sadesu ne? [She's a beauty, is she not?]

I saw Satoshi looked at me before the side of his lips lifted into a lopsided grin. Bigla akong kinabahan, his smile didn't even reach his eyes. "Hai." [Yes.]

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon