Chapter 33 - Guns and Feelings [Part 2]

233 7 1
                                    

Michy

Sa hospital sa Palawan dinala si Russo. Hindi naman daw malala ang tama niya kaya naman kahit isang araw lang daw siyang manatili roon ay sapat na.

Kasalukuyan akong nagbabalat ng mansanas nang makita kong umupo si Russo mula sa pagkakahiga.

"'Di mo man lang ako tutulungan?" Kunot noong tanong niya.

"Nakaya mo na ngang bumangon, saan banda pa kitang tutulungan? Stupid much?" Pabalang na sagot ko sa kanya sabay hagis sa mansanas na nabalatan ko na agad naman niyang nasalo.

"Maldita," aniya.

"Maldito," nakangising tugon ko. Naalala ko tuloy nung una kaming magkakilala.

"Ano ba! Bulag ka ba? Hindi mo ba ako nakitang--"

Natigilan sa pagsinghal ang lalake nang lingunin ko siya.

"Stupidity comes with great responsibility huh? Nakita mong girls line 'to, pupunta ka rito?" Nakangising tugon ko sa kanya nang makita siyang nakatulala. Nang makabawi siya ay sinamaan niya ako ng tingin at ganoon din ako sa kanya.

"Maldita!" Asik niya.

"Maldito!" Nakangiting sabi ko sa kanya saka ako naglakad palayo.

"Naalala mo rin?" Pukaw sa'kin ni Russo. Nginitian ko siya saka ako tumango.

Iba ang pakiramdam ko ngayon nang makitang okay na siya. Kung kanina ay hindi ako mapakali habang nasa loob siya ng emergency room. Kulang na lang ay sigawan ko ang lahat ng nurse at doktor doon nang bigla mawalan ng malay si Russo.

"Angel?" Pukaw sa'kin ni Russo. "Are you okay? Tulala ka na naman."

Agad akong tumango. "May naalala lang." Nilapitan ko siya at nilagyan ng unan sa likuran dahil mukhang nahihirapan siyang umupo ng maayos. Sa kanang balikat at sikmura kasi ang tama ng baril sa kanya. "How 'bout you? May masakit ba?"

Hindi ako sinagot ni Russo bagkus ay ngumiti siya saka niya inilahad ang kamay niya. "Can I hold your hand?" Naguguluhang iniabot ko ang kamay ko sa kanya at bahagya niya namang pinisil 'yon. "Ngayon siguradong okay na ako," nakangiting sabi niya dahilan para mag-iwas ako ng tingin at bahagyang mapangiti. Ngunit saglit lang iyon dahil ayokong ipakita sa kanya ang pag-ngiti ko.

"Angel.."

"Hmm?"

"Let's start over," aniya dahilan para lingunin ko siya at titigan sa mga mata. "Friends?" Napakagat ako sa ibabang labi at agad na nagiwas ng tingin nang maalala ko na naman ang nakaraan.

"Hoy maldita! Ba't ang pangit mo?" Asik sa'kin ni Russo. Pareho kaming nasa barbecue stand ng sandaling iyon dahil nag-aya si Xav na kumain doon.

Kinunutan ko siya ng noo. "Kaya pala ang dami kong manliligaw," nakangising saad ko.
Matunog na pagngisi ang pinakawalan niya. "Marami rin namang may gusto sa'kin ah!" Pagyayabang niya saka siya ngumiti. Ngiting nakakaloko. "Siguro ikaw, may gusto ka rin sa'kin 'no?"

Nginitian ko siya saka ako umiling. "You wish. Ayokong magkagusto sa'yo."

"What? Bakit?" Asik niya.

"Masyado kang interesado sa'kin Russo. Napaghahalataan ka na. Pa'no ba 'yan?" Biro ko ngunit laking gulat ko na lang ng pamulhan siya ng mukha at nagtatakbo.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko ng sandaling 'yon. May gusto siya sa'kin? 'Yong hambog na 'yon? No way! Nang ma-realize kong lahat 'yon ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di malamang dahilan.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon