Chapter 9 - She's a Class A

465 23 9
                                    

Michy Angel

Inis na inis ako ngayong araw na 'to. Ang aga aga mababalitaan kong dadalhin ako sa isang project kuno charity event ni kuya, eh kararating niya pa lang! Idagdag pang may business trip kami ni Drexel this week, tapos sumabay pa iyong babae sa café na hindi makabasa ng mood na ayaw makipag-usap ng tao. Like, seriously? People nowadays are always getting on my freakin' nerves!

Nakalahati ko na ang iced coffee ko pero hindi pa rin ako nare-relax. Iniisip ko kung paano kong iha-handle iyong business trip with Drexel. Ayon naman kay kuya hindi raw pupwedeng hindi ako pupunta doon sa charity event. That stupid brother! Don't get me wrong, I love kids! So much. Kaso hindi kaya ng schedule ko. Iisang tao lang ako. Pwede ba akong mahati? Ngayon na. Pwede ba?

Pagkapasok ko ng opisina ay nakangiting sinalubong ako ni Reina Light.

"Good morning Miss Michy." Nakangiting bati niya. Tumigil ako sa paglalakad at napa-isip.

Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng may ideya akong maisip.

"Let's talk Light. I prefer calling you Light. Is that fine with you?" Nakangiting tanong ko rito. Nakita ko naman ang pagtatakang reaksyon sa mukha nito kaya hindi ko mapigilang mapailing. "Come on. Follow me."

Pagka-upo ko sa swivel chair ko ay siya namang tayo ni Light sa harapan ng desk ko. Mataman ko siyang tinitigan at sinipat ng tingin. Hindi ako nagkakamali, pwede siya.

"May gagawin ka this week?" Panimula ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nito na siyang nagpataas din ng kilay ko. Nang mapansin niya iyon ay tumikhim ito saka bumuntong hininga.

"I'm working with you Miss Michy. Bukod doon ay wala na." Aniya.

"Good. You'll go with Drexel for that business trip we're having tomorrow. Hindi ako pwede."

"What?!" Kunot noong bulalas niya kaya naman tinaasan ko ito ng kilay saka ko pinag-krus ang braso ko sa tapat ng aking dibdib. "Uhmn, I mean, bakit po?"

"Because I said so." Sagot ko.

"Wala man lang po ba kayong ibibigay na dahilan?" Tanong niya kaya napakunot noo ako. Stupid much? Boss ako, empleyado kita, huwag tanga?!

Napabuntong hininga ako, wala ako sa mood makipagtalo ngayon. "You just have to assist him Light. Madalas na ginagawa naman namin sa ganoong business trip ay magiging partner ako ng isang lalake. I know Drexel, he really knows how to handle people. Well." Sagot ko saka ako tumayo. "Hindi niya ako kailangan doon."

I do know. Si Drexel iyong tipo ng lalake na dadalhin ka sa party para lang maging accessory niya. Matagal ko na siyang kilala sa business industry kaya naman nang pumayag itong mag-invest sa kompanya namin ay nagulat ako. Napailing ako at napalingon sa window glass ko. Hindi mo ako magagamit Drexel. Nagkakamali ka ng babaeng pinili.

"I know your capabilities Light." Pagpapatuloy ko habang nakamasid sa tanawing nasa harap ko. Matataas na building. Naglalakihang mga glass walls. "I believe in you," hinarap ko siya saka nginitian, "I want to trust you." Sabi ko saka ako umupo.

"Miss Michy, maganda po ang gising niyo ngayon?" Tanong niya kaya napaangat ako ng ulo at bahagyang natawa.

"What are you talking about?" Tanong ko.

"Eh kasi po, hindi po kayo--"

"Hindi ako bitch ngayon?" Pagpapatuloy ko ng sasabihin niya. "Yes Light. I do have an attitude. I do have a very short span of communicating skills for stupid people. But I do know how to compliment people that knows what they're doing, and luckily, you're one of them. You have guts, the beauty, the brain, so, what's not to compliment? Hindi ako maramot sa ganoong klaseng bagay. Bitch ako kung bitch, pero kapag katulad mong tao ang kaharap ko, alam ko ang salitang pakikisama at pakikibagay." Mahabang litanya ko. Bakas sa mukha nito ang reaksyong hindi makapaniwala sa mga sinabi ko kaya napangisi nalang ako saka napalingon sa mga folders na nasa desk ko.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon