Chapter 7 - Full Circle

513 18 16
                                    

Maia


Tinotoo nga ni Sir Kazuya ang sinabi niya, siya ang nag-orient sa akin. Mula sa pag-ooperate ng Espresso machine, grinders, POS, blenders, ice maker at kung anu-ano pa, siya ang nagturo lahat. Napaisip tuloy ako parang hindi angkop sa isang kagaya niyang mukhang big time na marunong siya sa mga gawaing ganoon. Pasimple kong tinapunan ng panakaw na sulyap ang mga daliri niya sa kamay baka may kalyo pero wala, kasing-kinis ng pang-upo  ng isang baby ang mga daliri niyang hugis kandila.

Ang pangit naman tingnan sa tangkad niyang iyan kung punggok ang mga daliri niya. Hindi ko napigilan ang pagtakas ng isang mahinang hagikgik na ikinalingon niya sa akin.

"Is there something funny Maia?" kunot-noong tanong niya. Binitiwan niya ang hawak tissue paper na ginamit niya para tuyuin ang kanina'y basang mga palad. Katatapos lang niya maghugas, tinuturuan niya ako kung paano ang tamang paggiling sa mga coffee beans. Hindi ako agad nakasagot, paano kasi nadistract na naman ako ng kilay niyang perpekto ang hugis.

Sino kaya ang nagpa-pluck noon?Alagang salon?

"Wala po Sir." Matinding effort ang kinailangan ko para ayusin ang hilatsa ng pagmumukha ko.

"Nakuha mo ba lahat ng itinuro ko sa iyo?"

"Yes Sir."

"Alright. You can start mopping the floor sa lounge sitting area. You'll be in-charge in clearing the tables today. Bukas tutulong ka kay Vanessa sa back room. Iyan na muna  ang assignment mo for this week. You're still under probation, I hope hindi mo nakakalimutan iyon." Tinapon niya sa malapit na trash bin ang nagamit na tissue paper at basta na lang ako iniwan.

"Sir!"

"Yes? May nakalimutan ba akong sabihin?" Tinaasan niya ako ng kilay niyang ahit.

"Paano po ang schedule ng shift ko? Sa pagkakaalam ko 24 hours ang operation ng Café Bonita."

Saglit siyang napaisip, nakalimutan din yata niya ang bagay na iyon. Kapagkuwa'y tumingin siya uli sa akin na parang bored, "I'll put you in the same shift as Vanessa's. Anything else?"

"Wala na po Sir. Thank you po." Yumukod ako sa kanya gaya ng nakita kong ginawa ni Vanessa kanina sa locker room nang humingi siya ng paumanhin kay ahit-kilay dahil sa kagagawan ko. Parang walang nakitang tinalikuran lang ako ni Sir Kazuya. Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman kumakati. Puzzled lang ako sa kanya, hindi ko siya ma-gets kagaya ng hindi ko pagkaka-gets kung bakit ahit ang kilay niya eh kalalaking tao. Parang nag-iba ang kanyang katauhan nang makatapak siya sa labas ng office niya.

Oh my god! Ibig sabihin naglalandi lang si Sir sa confines lang ng office niya? May split personality? Iba eh, para siyang higad na makati may pabulong-bulong pa sa akin. Teka, may lalaki bang higad?

Ang tanong, kalandi-landi ba ng alindog mo ateng? Kontra ng isang bahagi ng isip ko.

"Maia! Get your tush out there and start mopping!" Napapitlag ako nang marinig ko ang sigaw ni Sir Kazuya. Hindi ko napansin na hindi pa naman pala tuluyang nakakalayo si ahit-kilay. Pasimple akong binunggo ni Vanessa sa balikat nang mapadaan siya sa akin bitbit ang nangangalahating bag ng coffee beans mula sa back room.

"Naku umayos ka babae ka, mamaya ka na mangarap diyan kung ano man iyan. Maghapong magsusungit iyang si Sir kapag ganyan ang mood at lahat tayo damay." Pabulong na sabi ni Vanessa.

Hindi ko na kailangan ng isa pang sigaw galing kay Sir Kazuya kung kaya mabilis kong kinuha ang mop mula sa back room. Yuko ang ulong nilagpasan ko si Sir na mukhang wala sa ayos ang matris habang naka-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib nitong mukhang masarap sandalan. Wala na iyong suit na suot niya kanina, iniwan niya sa office nang turuan niya ako kung paano gamitin ang sari-saring equipment sa Café.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon