Chapter 43 - Level Up!

338 12 7
                                    

Maia

"Ang kati nitong suot ko," reklamo ko habang inaangat ang strap ng damit ko para kamutin ang kaliwang balikat. Birthday kasi ni Miss Michy ngayon kaya siyempre kailangan kong magbihis tao para hindi naman mapahiya itong kasama ko. Kay guwapo pa naman ni Ichiro, pati ang split ends ko gustong kumulot sa kilig sa tuwing tinatapunan niya ako ng tingin.

"Stop it. You're hurting your own skin," mahinang saway niya sa akin.

"Makati nga kasi!" Ganting bulong ko.

Sinulyapan uli ako ni Ichiro pero hindi siya kumibo, sa halip ay inilapit niya lalo ang upuan sa akin saka umakbay sa backrest ng upuan ko. I felt the warmth emitting from his arm on my back kaya bahagya akong napaigtad kahit na natatabunan naman ng tela ng suit na suot ni Ichiro ang brasong nakadaiti sa likuran ko.

Then I felt his fingers crept on my shoulder, heading straight sa bahaging kinakamot ko. Marahas akong napalingon sa kanya pero siya ay diretso ang tingin sa mga katapat namin sa mesa na parang wala lang. Ang bahagyang pag-angat ng dulo ng kilay niyang ahit ang tanging indikasyon na aware siya sa pagpoprotesta ko. Ichiro's cool fingers traced invisible circles on my skin. Kataka-taka namang naiibsan ang pangangati ng balat ko.

"Ichi-" pabulong na saway ko. Nakakahiya sa mga tao sa paligid. Pero parang wala siyang narinig na ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Nahihiya man, pasimple kong inilibot ang tingin. Mabuti na lang at mukhang abala ang lahat sa kung ano man ang topic ng usapan. Kanina ko pa sila natune-out, the moment na dumikit ang daliri ni Ichiro sa balikat ko.

"What are you doing?" Hindi nakatiis na bulong ko sa kanya.

"What do you think?" Namimilyo ang mga matang sagot niya.

"Stop it! Nakakahiya baka may makakita."

"I'm not doing anything lewd to you Maia. Relax." May bahid tawa ang boses niya nang ilayo ang ulo sa akin.

Naagaw ang atensyon ko nang may tumawag kay Ichiro. Nang tumayo si Ichiro para batiin ang kapatid ay nagulat ako nang mapagsino ang babaeng kung hawakan nito sa beywang ay parang natatakot na takasan. Bakit magkasama sina Reina at Satoshi? Hindi lang magkasama, Satoshi exhudes the "she's mine" vibe. My eyes darted to Drexel and Liv across the table.

Liv was chatting animatedly, kabaliktaran naman ang mukha ng kasama. If looks could kill, kanina pa nangisay sina Reina at Satoshi sa klase ng pagkakatitig ni Drexel sa dalawa. Mailap ang mga mata ni Reina na parang kinakabahan while Satoshi stood there cool as ice cubes hardened in the freezer habang kausap ang kapatid. Behind them is a girl na mukhang gustong balatan ng buhay si Satoshi sa kinatatayuan kung pagbibigyan.

When Reina broke away from Satoshi's octopus hands para lapitan si Miss Michy, Ichiro sat down beside me. Wala ng bakanteng upuan maliban sa tabi ko. Hindi nagtagal ay ipinakilala na rin ni Reina sa lahat ang kasamang si Beka. Pinili ni Reina na tumabi sa akin at ganoon na lang ang pagpipigil ko ng tawa ng mag-unahan sa pag-upo sa tabi ni Reina sina Satoshi at Beka. What's with these people?

Inusisa ko si Reina kung bakit kasama niya si Satoshi. Hindi naman pala sila magkasama talaga, dinaan lang siya sa bilis ni Satoshi. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko. So much like his younger brother.

"Gaga ka talaga Light, sa guwapo niyang haliparot na 'yan kinukumpara mo sa sapatos. Well, he deserves it, but spare his looks will you."

Biglang tumikhim si Ichiro sa tabi ko. Narinig niya ang sinabi ko? Hindi lumilingong napaayos ako ng upo. Behave ako, behave!

"Ayaw kong maririnig na pinupuri mo ang kuya ko na maririnig ko. Naiinis ako," ani ahit-kilay sa tabi ko. He started playing with the tips of my hair again.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon