Chapter 47: Sons of The Devil

364 13 25
                                    

Bumalik na uli ng Japan si Ichiro kasama ang kambal dalawang linggo matapos ang birthday ni Miss Michy. Naiwan naman si Satoshi sa bansa. May gagawin pa daw ang nakakatandang ahit-kilay kaya hindi pa siya pwedeng sumunod sa kapatid.

"Ang sabihin mo, sinadya mong ipaiwan ang Kuya mo dito dahil kasama mo ang kambal. Mas matindi pa sa kambal kung bakuran ako ni Satoshi," reklamo ko kay Ichiro minsang nagkausap kami sa Skype.

Break time ko sa Café Bonita ng mga sandaling 'yon. Nasa labas lang din si Satoshi, lumalaklak ng kape habang nagpapa-cute sa mga staff naming babae.

"It's for your own good, 'wag ka nang magreklamo okay? Kaunti na lang at matatapos na 'to. Nakausap ko na ulit ang Dad ni Isabelle. Pumayag na siyang i-pull out ang investment nila sa Mendez. Nakumbinsi ko siyang ilipat sa Kazuya Shipping International. Mas lalago ang pera niya doon."

"Mabuti naman." Hindi ko mapigilan ang pagtulis ng nguso. Pilit kong itinatago ang pagtatampo pero talagang sumisingit. Mas lalo pa akong napasimangot nang tawanan lang niya ako.

"Hey, stop pouting. You're making it extra hard for me than it is," ani Ichiro.

"Hard? Madalas mong kasama si Isabelle kung saan-saang party. Nasaan ang hard doon?"

Lumamlam ang mga mata ni Ichiro sa pagkakatitig sa akin. Bahagya siyang dumukwang sa camera, dahilan para mapalapit ang mukha niya.

"It's hard, believe me. Because every time I'm with her, I can't stop myself from wishing it's you who's holding on to my arm. And with you pouting those delectable lips at me doesn't help. I can't kiss you through this damned screen!"

Frustration laced his voice. Parang baliw na inuga pa nito ang monitor.
Maluha-luha ako sa kakatawa. Siya naman ngayon ang nakasimangot. Salubong ang kilay ni Ichiro habang pinapanood akong sapo ang tiyan.

Sinikap ko namang pigilan pero hindi umaabot ng limang segundo at bumubunghalit naman ako kakatawa. Bahagya lang rumehistro sa isip ko ang tunog ng cellphone na nagri-ring.

"Hold on, nii-san is calling," aniya.

Kung may isang bagay akong idadagdag kung bakit araw-araw ay mas napapamahal si Ichiro, iyon ay ang pagiging transparent niya.

Lahat ng ikinikilos at ginagawa niya ay hindi niya nakakalimutang sabihin sa akin, maganda man o pangit. Hindi ko hiningi dahil kusa niyang ginagawa. He made me feel like I'm involved in every aspect of his everyday life.

Hindi rin siya natatakot na mag-away kami 'pag sinabi niyang may mga babaeng nagpalipad hangin o minsan ay direktang nagpakita ng interes.

Dahil doon, hindi na ako nagulat nang i-loud speak niya ang usapan nila. Isang ngiti lang ang ibinigay sa akin ni Ichiro bago hinarap ang pakikipag-usap sa kapatid.

"What's up, nii-san?"

"There's trouble brewing brother," sagot ni Satoshi. Umayos ng upo si Ichiro at tumitig sa akin. Nakaramdam ako ng kaba sa narinig at sa nakikita kay Ichiro. Ano na naman 'to?

"I'm listening."

"Have you heard from the twins?"

"Not yet. Papa sent them on a mission a week ago. I haven't talk to them since. Why?" Kita ko ang pandalas na paglunok ni Ichiro. He didn't break our eye contact.

"I received news from the boys down the docks on our territory. The Inagawa's are on the move."

"It's alright. Papa's sure to take care of that," kampanteng saad ni Ichiro.

"I'm not worried about our family, brother. We're used to this kind of shit," tumigil si Satoshi. Dumoble ang kabang nararamdaman ko sa pagtigil niyang 'yon. "I'm worried about your friends."

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon