Chapter 40 - I am Sorry

267 12 2
                                    

Stephanie

"Xav, wait!" Jusko! Feeling ko ay nasa pelikula kami ni Xav ngayon dahil sa gitna ng ulan ay heto at tumatakbo ako at saka ko siya hinahabol. Kulang na lang na may mag-play ng kantang Ulan ng Aegis at complete package na ang drama namin ni Xav. Nakakaloka!

"I said, leave, Stephanie!" With that, parang doon ko naramdaman ang lamig. Hindi ma-feel ng body cells ko ang lamig na dulot ng ulan pero sa pagtawag sa akin ni Xav ng Stephanie, pakiramdam ko ay biglang umulan ng niyebe sa pwesto ko.

"Xav, I am--"

"Please do not ever say that you're sorry," he said to cut me off. Napakagat ako sa labi ko noong mapansin ko na medyo basag na ang boses ni Xav and I know right then kung bakit siya tumakbo sa gitna ng ulan.

He's crying.

Ilang beses kong iniwasan ang pagkakataon na kausapin siya. Ilang beses akong nagsinungaling sa kaniya na busy ako kaya hindi na ako nakaka-text sa kaniya. Ilang beses akong nagpalusot para lang 'wag kaming magkitang dalawa.

Until this day comes. Inabangan niya ako sa Café Bonita. He knows very well na walang araw na hindi ako pumupunta sa Cafe dahil kina ateng Maia. Kasalukuyan kong kausap sa telepono kanina si Toffer habang naglalakad ako pauwi pero ang hindi ko alam ay kanina pa pala ako sinusundan ni Xav.

And with that, he heard everything.

Ngayon, wala na akong kawala. I have to face it now. Kailangan ko nang harapin ang lalaking paniguradong sobrang nasasaktan sa mga oras na 'to.

"Go back, Stephanie." Nakita kong naikuyom niya ang dalawang kamao niya. His back is facing me. Itiningala niya ang mukha niya at saka nito sinalubong ang pagpatak ng ulan.

"No, Xav. We need to talk," I firmly replied before taking a step closer to his place. It is now or never.

Kailangan ko siyang kausapin ngayon dahil baka sa susunod ay iwanan na ako ng lakas ng loob ko. Kailangan ko siyang makausap ngayon dahil baka bukas o sa makalawa, maging duwag na ako. I don't want to be unfair. I don't want to hurt him more.

"Don't come near me." Bigla akong natigil sa paglalakad. Ano ba naman ito? Bakit pakiramdam ko, 'yong mga kasiyahan at kagalakan ng kaluluwa ko nitong nakaraan ay biglang bumawi sa part na'to.

Tama nga si Michy. It will never be easy to explain and assume that Xav will not be hurt. He loves me and that's already enough reason for him to act like this.

"Xav, please, talk to me. Let me explain." Kung tutuusin ay wala naman akong dapat ipaliwanag na akala mo ay girlfriend niya ako at nakita niya akong nagloko kaya heto at nag-eemote kami ng bongga sa gitna ng ulan pero kasi, mahalaga na si Xav sa akin and the fact that he's hurt right now, hurts me too. And knowing that it's me who hurt him, hurts me more.

"Explain? What would your explanation do with this pain?!" His question makes me widened my eyes. Galit, sakit, lungkot. All of it are so obvious with his voice.

"Kapag nagpaliwanag ka ba, mawawala na 'yong sakit? Kapag ba sinabi mo kung bakit mo siya sinagot at kung bakit hindi ako ang pinili mo, magiging okay na ako?! Gano'n ba ang iniisip mo, Steph?! Bullshit!" Kahit umuulan ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. I know how much I am hurting him right now at ang sakit makita na nasasaktan siya.

Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at saka ko siya niyakap mula sa likuran niya.

"I am sorry, Xav. I am sorry." Halatang umiiyak ako at wala akong pakialam kung magmukha na akong timang. Kung may nakakakita man sa amin o kung isang OA na pangyayari ang eksenang nagaganap sa amin ni Xav.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon