Chapter 26 - Knight in Shining Armor

325 15 5
                                    

Reina Light POV

Kunot ang noong pinaglipat-lipat ko ang mata kina Wade and Michy. What the hell is happening here?

"Wade, hear my side. Please. I'm begging you let's fix this," Michy pleaded.

Si Michy nakiki-usap? God! Please someone . . . anyone! Please explain what's happening!

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Feeling ko biglang akong kinapos ng hininga. They were glaring and yet they look good together. Napalunok ako, isa . . . dalawa . . . tatlo, and yet my throat was still dry. It feels like thousands grain of sands were rubbing the inside of my chest, and it's painful. It was awfully painful. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila dahil sa hindi ko malamang dahilan eh bumibigat lalo ang dibdib ko habang patagal nang patagal ang ginagawa kong pagtitig. Kakaiwas ko bumagsak ang mata ko kay Drexel. His eyes weren't on the scene in front, it was on me and I don't like what I was seeing on it. Naalala ko tuloy yung naging usapan namin kagabi, with a cursed, tumingin nalang ako sa kaliwa, kung nasaan ang malamyos na hampas ng dagat.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nang nangyari. I deliberately muted everything around me. Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin?

Meron ka kasi kaya napaka-emotional mo. Just calm down, it will pass, trust me.

I hope so, because I don't like this feeling one bit.

"Ms. Light ok ka lang?" pukaw ni Maia sakin. Nilingon ko sila at nagulat pa ko nang makita ko si Toffer at Steph. Kailan sila dumating? Tsaka ko lang rin napansing wala na sina Michy at Wade.

I smiled, the best smile I could muster at the moment.

Sige ngiti lang Light. Diyan ka naman magaling eh! Ngiti lang.

"Yeah! Ok na ang pakiramdam ko," tila naguluhan si Maia sa sagot ko, alam ko naman kung anong tinutukoy niya. Sinadya ko lang talaga ibahin ang usapan. "Salamat nga pala kanina."

Alanganin siyang tumango. "It's ok, I guess."

"Nga pala, quit calling me Miss Light. Reina or Light would suffice. Ito naman para ka laging nasa Café niyan." Tumawa ako ng malakas na akala mo I just made the funniest punch line ever. Everyone's eyes were on me. Bawat isang mata may pagtataka, kung hindi naman, awa. Mas lalo pa kong natawa. "Pusang-gala! Mukha akong tanga dito. I'm sorry guys but I can't help it." Hindi mapatid ang tawa ko, nagluluha na rin ang mata ko. I don't care if I look weird at the moment. I can't stop. Gustong umiyak pero feeling ko ang kapal ko kung gagawin ko yun.

Hindi ko alam kung anong nangyari. One minute I was laughing, and the next second someone was pulling me away. Nang tignan ko kung sinong humihila sakin, nagulat ako ng ang likod ni Drexel ang nabungaran ko. I stopped laughing abruptly at tahimik nalang na sumunod rito.

Huminto siya at humarap sakin ng malayo-layo na kami sa mga tao.

"Thank you." I mumbled.

"What for?" walang emosyong tanong niya.

"Because you took me away from there . . . took me away before I could make more fool out of myself."

He scoffed. "I didn't take you out of there to save you. Hindi mo ko knight in shining armor, though you have been playing the role of the damsel in distress a lot lately. I pulled you away because I need you. You're my secretary as of the moment Reina Light, and right now we're here for business so I expect you to do your job," mahabang paliwanag nito. Kahit kalian talaga ang sama nang ugali nang isang to. Hindi man lang makisama.

I nodded and smiled. "But still, thank you."

Tila nagulat ito sa sinabi ko, pero mabilis rin namang nakabawi. He cleared his throat before he turned around. "Whatever," he muttered.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon