Chapter 2 - The Intersection

962 23 19
                                    

Reina's POV


Ang lantod.

Iritang irita na ko sa service crew na nagfiflirt sa babaeng bagong dating na umoorder sa counter. Kala mo naman kagwapo ang kapal kapal naman ng kilay, ang taas pa ng hair line, pwedeng pwedeng paliparan ng eroplano ang noo. Kaya hindi na nagtataka kung bakit abot hanggang langit ang kilay ni ateng maganda.

"Reina Light, hello! Ang lalim na naman ng iniisip mo. Sino ba yang tinitignan mo?" Beka followed my line of sight. "Oh ang ganda naman ni ate. Nakakatibo."

"Ewan sayo, hindi naman yung babae yung tinitignan ko. Ang flirt kasi nung barista. Sarap tusukin sa mata. Speaking of which yung pinapanood kong anime ang gwapo ng bida, barista din kasi yun. Kinikilig ako friend kapag pinapanood ko yun. Perfect. Panoorin mo rin yun Beka."

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Beka. Ano bang magagawa ko kung mas prefer ko ang mga lalaking napapanood ko sa t.v at nababasa sa mga libro. Mas kinikilig ako sa mga itsura at description nila. Kaysa naman sa mga lalaking nakakasalimuho sa araw-araw, kung walang anghit, fill in the blanks naman ang ngipin. Tsk!

Naniniwala ako sa happy ending, sa dami ba naman ng mga nabasa kong nobela hindi pa ko maniniwala doon? Pero ang hirap naman kasi humanap ng lalaking papasok sa standards ko. Minsan pasok na nga parehas naman kami ng tipo, berde ang dugo at malandi pa sakin. Isa pa nakakatakot, halos lahat ng kaibigan kong umibig lumuha lang. Mga engot kasi ayaw makinig sakin.

"Tara na Light. Malalate tayo sa interview," aya ni Beka sakin. Tumayo na ito pero sinaid muna ang natitirang kape sa inorder nito.

Tumayo na rin ako at nauna sa sa pinto. Dahil palabas na din si ateng maganda ay pinagbuksan ko na ito at pinauna. I was expecting a thank you pero mataman niya lang akong tinitigan mula ulo hanggang paa saka niya isinuot ang sunglasses niya. Aba yung dugo ko nag-ala rocket sa pagtaas. Nang palabas na siya ay humaramg na ko sa daraanan niya.

"Di ka ba marunong mag-thank you?" Asik ko.

"For what?" Aba siya pa ang may ganang magtaas ng kilay sakin? Ang sarap ahitin, badtrip.

"Hala! Pinagbuksan kita ng pinto Madame!"

"So?"

So? So? Aba aba.

"Thank you teh! Thank you!" Sarkastikong sabi ko. Hiyang hiya naman kasi ko sa kanya di ba?

"Reina! Tumigil ka na nga. Hayaan mo na," awat na ni Beka. Hinihila na ako nito palayo.

"Hindi-"

"Oh shut up, will you? Quit yapping already! Stop wasting my time. What a day! Seriously! Ugh!"

Hawak ako ni Beka kaya nasundan ko nalang ito nang tingin nang rumampa ito pasakay ng taxi. Nakakagigil kung anong kinaganda ganun ang kinabulok ng ugali.

Bitch!

"Tara na nga Beka," nagpumalag ako para bitawan niya ko.

****

"Asan na ba yung Beka na yun? Sabi niya sandali lang tapos iniwan na ko," inis na bulong ko sa sarili. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng building. Napakalaki at napakarangyang tignan. Nahila ako dito ni Beka kasi may opening position daw as secretary. Mag-aapply ako kasi ang baba lang ng sweldo ko sa dati kong trabaho.

Natanaw ng mata ko ang elevator kaya napagpasyahan kong umakyat na sa HR department kung saan gaganapin ang interview. Baka naman nauna na si Beka.

Pagsakay ko sa elevator ay may nakasakay akong lalaki. Ang tangkad niya, and his black suit match the confidence he posses. Parang yung sa mga movies na pinapanood ko. Ang tangos ng ilong at ang haba ng mga pilik mata. Ang nipis din ng labi nito na mapula pula.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon