Chapter 1 - The Bitch

1.5K 29 17
                                    

Michy Angel

"Damn it! My head hurts!" Sambit ko habang sapo ang sintido ko. "This is so frustrating!" Bulong ko pa.

Unti unti akong tumayo at binalanse ang katawan ko para maglakad papuntang banyo.

A cold shower!

Ganito ang ginagawa ko sa tuwing may hang over ako. Suot ang fitted black halter dress ko, itinapat ko ang buong katawan ko sa shower saka ako tumingala para salubungin ang malamig na tubig. Wala akong pakielam kung latest designer brand pa ang suot ko, ang mahalaga ay mawala ang sakit ng ulong nararamdaman ko ngayon.

Matt and I broke up last night so I decided to go to the bar and get wasted. So I did. Hindi lang ako makapaniwalang maayos pa akong nakauwi kagabi ng wala man lang galos sa katawan. Idagdag pang hindi man lang nabunggo ang sasakyang gamit ko at buhay pa naman ako.

Oh well.

Napailing ako ng sandaling iyon. Hindi ko pa rin matanggap na si Matt ang nakipag-break sa akin. 3 years! I've wasted 3 damn freaking years!

I loved him, and here I thought, he feels the same way.

But I'm wrong. Oh well. I can't cry. 'Coz I don't wanna! Wala iyon sa bokabularyo ko!

Matapos ko doon ay agad akong lumabas ng banyo at nag-ayos. Sabado ngayon at kailangan kong puntahan ang mga magulang ko sa kompanya. Ito lang naman ang kahilingan nila sa akin kapalit ng kalayaan ko na gawin ang lahat ng gusto ko. Wala namang problema sa akin iyon dahil gusto ko namang makatulong sa kanila.

"Good morning Miss Angel," bati sa akin ng head maid, si Betty. Nakayuko pa ito na para bang prinsesa ang kaharap kaya naman napairap nalang ako.

"Go away! What's so good about it?" Asik ko rito dahilan para mapaatras ito. Muli nalang akong umirap saka dali daling naglakad palabas ng bahay.

"Miss Angel!" Rinig kong tawag ni Betty.

"What?!" Iritadong sagot ko saka ako pumihit pabalik para makaharap ito.

"Kumain po muna kayo bago lumabas. Lasing po kayo-."

"So?" Putol ko sa sinasabi nito. "Shut up will you! Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko sa iyong, Go away? You deaf or something? Better clean yours ears then!" I flicked my tongue and rolled my eyes.

"Miss Angel naman," daing ni Betty.

"Betty, isa pang hirit mo, mawawalan ka na ng trabaho." Seryosong sabi ko rito dahilan para umtras siya at yumuko.

"Mag-iingat po kayo Miss Angel," rinig kong sabi niya nang tuluyan na akong tumalikod.

Nang makalabas ako ng bahay ay siya ring suot ko ng sunglasses ko. Kahit pa meron ako 'nun ay mahapdi pa rin ang mga mata ko na siyang dahilan para mas lalo akong mairita. Idagdag pa nang makarating na ako sa highway ay traffic.

This is so freaking annoying!

Hinampas ko ang manibela at tinignan ang suot kong relo. Maaga pa naman ako kung susumahin pero gusto kong makarating na ng opisina para makapag-pahinga kahit sandali. Ngunit sadyang galit sa akin ang tadhana dahil isang bungguan ang nangyari sa may highway.

"Seriously? Aish!" Sigaw ko.

Dali dali akong bumaba ng kotse saka iyon ni-lock. Bahala na ang tow truck mamaya diyan. Makukuha ko naman agad iyan at isa pa, I have valid reasons!

Naglalakad na ako papuntang sidewalk nang mahagip ng mga mata ko ang isang cafe. Napagdesisyunan ko munang pumunta doon at bumili ng ice cold black coffee para tuluyang magising ang diwa ko. Pagkapasok ko doon, tulad ng dati ay agaw pansin nanaman ako. Ngunit sa ngayon ay wala ako sa mood na panlisikan sila ng mata at ismiran dahil gusto ko na ring agad makaalis sa lugar na iyon.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon