Chapter 15 - Connections

458 15 9
                                    

Maia


"Are you even sane, Maia Santiago?" pabulong na tanong ni Ichiro sa akin habang wala pang apat na dangkal ang layo ng mukha niya mula sa mukha kong nagkukulay kamatis sa kasalukuyan, hawak pa rin nito sa kanang kamay ang dulo ng buhok ko. Halos mabilang ko na ang mga pilik-mata niya sa lapit. Hindi ko pa nasubukang pagmasdan si ahit-kilay sa malapitan dahil mas gusto kong kumaripas ng takbo sa mga pagkakataong nakakasama ko siya. Pero sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na salubungin ang mga abuhing mata niya na malayang naglalakbay sa kabuuan ng mukha ko.

Ang salubungin ang mga mata ni Ichiro ay isang malaking pagkakamali dahil sa oras na nagtama ang mga mata namin ay nawala na sa kamalayan ko paligid. Parang nabalot ako sa isang napakalaking bula at naka-mute ang kahit na ano'ng tunog. Ang paghinga ko ay naging sunod-sunod at maiiksi ang naging pagitan. Kung gaano ako katagal na nakatunganga sa kanya ay hindi ko alam. Nilulunod ako ng mga mata ng isang nilalang na nagngangalang Ichiro Kazuya! Pero bakit parang lumilindol yata at natataranta siya?

"Damn! Maia, breathe!" Magkabilang balikat ko ang hawak niya at parang alkansiyang nangangalahati ang laman na inalog-alog ako ni Ichiro. Halos humiwalay ang ulo ko sa leeg ko sa ginagawa niya. Noon ko lang na-realize na hinigit ko pala ang hininga ko habang nakatitig sa kanya at hindi ko pa pinakakawalan iyon. Nang huminga ako ay agad kong naramdaman ang pag-aliwalas ng pakiramdam sa dibdib kong parang nanikip. Iyon pala ang dahilan.

"What were you thinking, holding your breath like that?" asik ni Sir Kazuya sa akin.

"Hindi ko sinasadya no," sagot ko naman na may kasamang irap saka bumaling sa bintana at hininaan ang boses, "Lalapit-lapit pa kasi."

"You're crazy."

"Oo na, ako na ang crazy. Kamusta ka naman?" Hindi ko na napigilan ang pag-ahon ng nakakairitang pakiramdam mula sa dibdib ko kung kaya imbes na manahimik ay pinatulan ko na si ahit-kilay.

"Don't get cheeky on me, I can fire you anytime I want." Hayan na naman siya sa power trip niya. Akala siguo ng ahit-kilay na ito masisindak niya ako sa mga ganoon.

"By all means Sir, go ahead."

"You..."

"Stop bickering kids, we're here." Agaw ni Ren sa sasabihin sana ni Sir Kazuya. Nagpatiunang bumaba si Rui nang tuluyang tumigil ang kotse at pinagbuksan ako ng pinto samantalang walang kibong lumabas naman sa kabilang pinto si Ichiro. Nang makababa na ako ay maginoong inalalayan ako ni Rui sa siko papasok sa entrance ng hotel. Ipinasa naman ni Ren sa naghihintay na valet ang susi ng kotse at sinabayan si Sir Kazuya.

"Ichiro!"

Halos sabay kaming apat na tumigil at napatingin sa pinanggagalingan ng boses. Isang matangkad at magandang babae ang papalapit sa amin, nakasunod sa likod nito ang isang matandang lalaking walang bakas ng itim ang kulay puting buhok. Maiksi ang buhok nito, lagpas lang sa tainga. Pulang-pula ang labi nito pero light ang make-up. Mukha siyang modelo ng isang fashion magazine, chic na chic ang dating. Parang pamilyar ang mukha ng babae pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Nang makalapit ang babae ay niyakap nito ang hindi tumitinag na si Ichiro. Hindi man lang gumanti ng yakap. Kumalas ang babae at pinasadahan si Ichiro ng tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay sumilay ang isang mabining ngiti sa mga labi nito.

"Don't forget the Palawan event Ichiro. You need to be there in behalf of your mom." Anang babae na hanggang ngayon ay kinakalkal ko pa rin sa utak ko kung saan ko siya nakita.

"I said I'm not going Liv. I'm not changing my mind." Walang emosyong sabi ni Ichiro pero nakikita ko ang paggalaw ng mga muscle sa panga niya.

"Don't be stubborn boy, you need to be there." Agaw ng matandang lalaking nakasunod kanina kay Liv. Tuluyan na itong nakalapit sa amin.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon