Chapter 23 - Shattered Hearts & Kindred Souls

326 14 9
                                    

Maia

"What crawled up your ass and died? Hindi pa man nangangalahati ang araw masama na ang mood mo," puna ni Ichiro pagkatapos niyang magsawang pagmasdan ang kumekembot na behind ni Miss Michy habang papalayo ito.

Hindi ko siya sinagot, sa halip ibinunton ko ang inis sa waffles na nasa harapan ko. Nagkapira-piraso ang kawawang waffles nang walang kalaban-laban. Mahilig ako sa waffles lalo na at may strawberry syrup pero talaga namang nakakawalang gana ang inaarte nitong malanding Hapones na ito.

At sa harapan ko pa talaga ha. Ang sarap niyang itirintas sa mahabang hair ni Miss Michy! Teka, bakit nga ba ako naiinis? Dahil type nila ang isa't-isa? Dahil type ko na si ahit-kilay?

"Hindi!" biglang naibagsak ko ang nakakuyom na mga kamao sa ibabaw ng mesa, hawak-hawak ng mahigit ang kubyertos.

"Hey, what's going on?" takang tanong ni Ichiro sa naging reaction ko. Doon naman ako nahimasmasan, napapahiyang nagyuko ako ng ulo at itinuon sa waffles ang tingin na ngayon ay kamukha na ng 7,107 islands ng Pilipinas.

"Sorry." Labas sa ilong na hingi ko ng paumanhin.

"Wait, kanina lang maayos ka pa namang kausap. Could it be that you're jealous of Michy?" umangat ang kaliwang kilay nito at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niyang hindi ko tiyak kung legal bang magmay-ari siya ng ganoon. Susme! Sapat na yata ang kapangyarihan ng mga labing iyon para matigil ang giyera sa Mindanao.

"Jealous? As in selos?" paniniyak ko. Nang tumango siya ay ramdam ko ang unti-unting pagkalat ng mainit na pakiramdam mula sa tainga ko papunta sa mukha. "Hindi kita type no, kahit sabihin pang guwapo ka. Wala ako'ng balak magpakagaga uli sa mga katulad mo. Been there, done that. Tama na 'yung isa, dalawa, tatlong beses ako'ng naging gaga. Bigti na lang ako 'pag nagkaroon pa ng pang-apat."

"Tsk. What's that adage? Tulak ng bibig, kabig ng dibdib."

"Tindi ng confidence mo. Sa sobrang tindi, nakakawalang gana." Itinulak ko palayo ang plato ng waffles at tumayo para layasan siya. Gumawa ng ingay ang paa ng upuan na kumaskas sa sahig nang itulak ko iyon para makaalis pero wala na rin akong pakialam kahit pa tumawag iyon ng pansin sa iba pang naroon sa lugar. Bahala silang magpiyesta sa kung ano ang nakikita nila. Naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Nakakapang-init ng bungo itong ahit-kilay na ito.

"Maia! Wait up!"

Wait up mukha mo. Binilisan ko pang lalo ang paglalakad para matakasan siya. Bahala na kung masisante ako sa trabaho, ang alam ko ayoko siyang kaharap.

"Maia! Dammit! Pag hindi ka talaga tumigil I swear ihahagis kita sa dagat at ipapakain sa mga pating once I get the chance!"

As if naman papayag ako. Tumigil ako para bigyan siya ng isang nakamamatay na tingin pero may nahagip ang mata ko sa may di kalayuan. Si Miss Light ba iyon? Sinipat kong mabuti ang babaeng nakaupo at sapo ang bandang tiyan niya. Nang liparin ng hangin ang buhok niyang tumatabing sa mukha ay nasiguro kong si Miss Light nga. Mukhang may masakit sa kanya. Pumihit na ako at tuluyang naglakad pabalik, pasalubong kay Ichiro. Pero nilagpasan ko lang siya nang magtapat kami. Hindi ko alam kung sumunod siya dahil ang concern ko ay madaluhan ang babaeng regular na customer namin sa Cafe Bonita at naging kaibigan ko na rin.

"Hey, where are you going?"

Hindi ko siya pinansin. Ginawa ko ng lakad-takbo para mas mabilis na makarating kay Reina Light. Halos panawan na siya ng ulirat sa sakit nang datnan ko.

"Miss Light?" tumingala siya sa akin, "Okay ka lang?" Hindi ko maitago ang pag-aalala sa nakikitang kalagayan niya.

"Hey are you alright Reina? You look pale." Tila natatarantang tanong ni Ichiro.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon