Chapter 31 - Strawberries & Marshmallows [Part 2]

255 12 12
                                    

Maia

Hindi ako makapag-react. Na-stuck ang utak ko sa sinabi niya, parang gasgas na cd na nakasalang sa player na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga binitiwan niyang salita. Maging ang mahinang pagyugyog ni Ichiro sa katawan ko ay hindi ko na alintana. Oo alam ko at nakikita kong nakaharap na siya sa akin ngayon at nag-aalalang mukha niya ang nasa tapat ko. Paulit-ulit kong nakikita ang pagbuka ng mga labi niya at tinatawag ang pangalan ko pero wala akong naririnig. Parang pantomime na pelikula ni Charlie Chaplin ang tingin ko sa nangyayari sa kanya, may kilos pero walang tunog. Kahit ang ingay ng mga alon na humahampas sa dalampasigan ay kataka-takang tahimik. Pati kuliglig na kanina ay nagko-concert habang umaatungal ako ng iyak sa harap ni Rui ay wala.

Nakikita kong may sinasabi si Ichiro pero delayed ang processing ng utak ko, hindi ko alam kung bakit at paano. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang huling nakita ko bago kusang nagsara ang mga talukap ng mga mata ko ay ang mahahabang pilik-mata at ahit na kilay ni Ichiro, kasabay ng pagdampi ng mga labi niya sa akin. Dampi lang sa una pero hinapit niya ako sa beywang at tuluyang lumalim ang halik na ibinibigay niya sa akin.

Strawberry and marshmallows. Iyon ang dalawang salitang lumutang sa isipan ko nang sakupin ni Ichiro ang mga labi ko. My toes curled nang tuksuhin niya ng dulo ng dila niya ang pagitan ng nakapinid kong mga labi, parang tinatantiya kung may permiso ba siyang i-conquer iyon o wala. Pinanatili kong nakatikom ang labi ko dahil hindi ko alam ang gagawin, hindi pa ako nahahalikan ng ganoon kahit sabihin pa na nakailang boyfriend na ako.

He angled my head and nibbled on my upper lip. Sa hindi ko malamang dahilan, napangiti ako. Naramdaman ko ring napangiti siya, at pagkatapos ay dahan-dahang bumagal ang paghalik niya hanggang sa parang nanunuksong dinadampian na lang niya ng halik ang labi ko. Sa wakas ay nagsawa na rin yata siya, he stopped at magkadikit ang noo namin. Ngayon ko naramdaman ang pagkapahiya, nag-init agad ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya.

"Maia," agaw niya sa atensyon ko at inilayo ang mukha sa akin.

"Ano?" sagot ko pero sa balikat niya ako nakatingin. Natawa pa ang hayup!

"My face is here," dinig ko sa boses niya ang nakatagong pagkaaliw. Napangiti na rin ako lalo na ng maalala yung huling beses na binato niya sa akin ang ganoong mga banat niya. Unti-unti kong inilipat sa mukha niya ang mga mata ko, para lang masilayan ang isang nakakalokong ngisi niya bago ako gulatin ng isang smack! Walanghiya, ang lakas maka-highschool ng nakaw na halik na iyon ah.

"Ichiro!" gulat na bulalas ko. Tawa lang siya ng tawa. Langya naisahan na naman ako.

"Am I forgiven Maia?" naging alanganin ang ngiting nakita ko sa mukha niya, pati sa mga mata niya ay may sumungaw na pangamba.

"Iisipin ko pa. Ge, good night." Pigil ang ngiting tinalikuran ko na siya. Lantod! Pakipot pa more Maia. Ha!

"Maia naman!" dinig ko'ng reklamo niya. Hindi ko na siya nilingon, kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinext siya. Pakiramdam ko kasi matutunaw na ako sa kilig kapag nagtagal pa ako'ng kasama si Ichiro. Hindi na kakayanin ng puso ko, sasabog na.

Lumulutang pa ako sa cloud nine na gawa ni Ichiro habang hinihintay ang pagbukas ng elevator sa palapag kung nasaan ang kuwarto ko nang maalalang hindi ko dala ang access card ko sa kuwarto dahil hindi ko dinaanan sa receptionist bago ako umakyat. Natampal ko ang sariling noo sa katangahan at saka pinindot ang "G". Nang magbukas ang pinto ng elevator ay nagtama ang paningin namin ni Miss Michy. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang nakitang anyo niya. Umiyak ba siya? Maging nang gumilid siya para bigyan ako ng daan hanggang sa makalabas ako ng elevator ay hindi ko siya nilubayan ng tingin. Parang gusto ko siyang tanungin kung okay lang siya at damayan kaya lang inunahan ako ng hiya dahil sa pagkakasampal ko sa kanya kanina.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon