Chapter 36 - About Time to Choose

282 10 3
                                    

"Mukhang pagod ka ah?" Bungad na tanong sa akin ni Yumi pagkauwi ko galing sa Café Bonita. Nakaugalian ko na yatang dumaan doon bago ako umuwi sa apartment namin ni Yumi.

It's been a week since we went back here in Manila pero parang naiwan pa rin ang kaluluwa ko sa Palawan. Lahat ng nangyari doon ay talagang ninanamnam ng pagkatao ko hanggang ngayon.

"Hindi ba halata?" Medyo mataray na sagot ko kay Yumi pero binato niya lang ako ng hanger na hawak niya. Brutal talaga ng isang 'to.

"Makabato naman, 'te? Baka mag-malfunction na ang neurons ko niyan!" Pagrereklamo ko. Agad niya akong pinaningkitan ng mga mata at alam kong babalik na naman kami sa usapang Palawan. Ang usapang iniiwasan ko simula nang umuwi ako.

"Seriously, Steph. Kailan mo balak ikwento sa'kin ang mga kaganapan sa Palawan?" tanong niya. Ayaw ko kasing ikwento sa kaniya ang mga nangyari kasi alam kong may pagka-OA si Yumi. Baka kasi hindi na lang pagbato ng hanger ang gagawin niya.

"Wala naman kasing nangyari kaya wala rin akong ikwekwento," sagot ko sa kaniya. Pinag-krus niya ang mga braso niya sa dibdib niya at saka niya ako pinagtaasan ng kilay. Oh-kay, Steph. Magkwento ka na.

"Wala ngang nangyari. Nakita ko lang naman si Toffer doon at hinalikan niya lang naman ako at inamin na mahal niya talaga ako at-- Aray ko!" Bigla kong nahawakan ang likuran ng ulo ko noong binatukan ako ni Yumi. Leche naman! Masakit 'yon ah!

"Langya! Iyan ba ang walang nangyari?! Umpisa pa lang ay nagulantang na ang cerebellum ko?!" Sabi na nga ba't OA itong si Yumi. Ang sarap pasakan ng cabinet ang bibig para lang manahimik!

"E kasi naman--"

"Tell me everything from the very moment that you stepped into the land of Palawan!" Itinulak ako ni Yumi na naging dahilan para bahagya akong mapa-isog sa dulong bahagi ng sofa namin at saka siya prenteng umupo at humarap sa akin.

"Talk," she said.

"Ay ang taray! May pinaglalaban ka ba, Yumi?" tanong ko pero pinitik niya lang ang noo ko.

"Meron akong pinaglalaban kaya umayos kang babae ka. Sisipain kita papuntang milky way at ipapasapak kita sa mga alien doon kapag hindi ka nagkwento! I am dead serious!"

"Saan mo naman nakuha 'yang line mo na 'yan, Yumi?" tanong ko ulit kaya namula na siya. Namumula na siya sa pagkainis sa akin dahil masyado akong pa-suspense sa chika ko sa kaniya.

"Okay, okay. Kalma. Ito na. Magkwekwento na." Inumpisahan kong ikwento kay Yumi lahat ng nangyari sa akin sa Palawan. Mula sa pagkikita ulit namin ni Matt na crush niya noong high school kami hanggang doon sa engagement nina Xav at Olivia na naging dahilan para kay Toffer ako magdrama. Lahat-lahat.

Pero 'yong nangyari sa last day ko sa Palawan ay hindi ko pa naikwento sa kaniya.

"Wait lang, Steph. Wag ka munang magsasalita." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong problema nito? Kanina lang ay atat na atat siyang magkwento ako tapos ngayon, patitigilin niya ako sa pagsasalita.

"May problema, Yumi?" tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.

"Sandali lang at may kukunin lang ako." Agad na umakyat si Yumi papunta sa kwarto niya at paglabas niya ay may dala na siyang gunting.

"Para saan naman 'yan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Para sa buhok mong dinaig ang kahabaan ng Edsa. Lechugas! Talagang sina Toffer at Xav ay pinag-aagawan ka?"

"May hindi ba kapani-paniwala ro'n?" This time ay ako naman ang nagtaas ng kilay sa kaniya. Loka-lokang babae 'to. Parang indirectly ay nilalait niya ang gandang taglay ng pagmumukha ko.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon