Chapter 42 - A What? A Game?!

345 8 6
                                    

Reina Light

Tinitigan ko ang gate na nasa harap ko, nakakamangha , napakagarbo talaga ng mansyon nila Michy. Isa ako sa inimbitahang bisita para sa birthday celebration ng huli pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa event na ito kaya ito karay-karay ko ngayon si Beka.

"Sigurado ka bang gusto mo talaga tumuloy?" tanong niya sa'kin na nakataas pa ang kilay.

"Nandito na tayo, at tsaka nakakahiya naman kay Michy kung hindi ako pupunta. Sa pagkakaalam ko unti lang imbitado tas hindi pa ko aattend."

"Oh yun naman pala, ano bang hinihintay natin dito? Tara na sa loob."

With one last look and an encouraging sigh, I took a step forward silently praying everything to turn out right, but it's too early to be hopeful. As is turn out, my prayer wasn't good enough, because the first thing I saw upon entering that gigantic gate is a view I never wanted to see. Napahinto ako sa paghakbang nang wala sa oras. Napalunok ako habang hindi maialis ang mga mata ko sa lalaking nasa harap namin ngayon. Tatlong araw ang nagdaan ng huli kaming magkita kaya ngayong nasa harap ko siya hindi ko alam kung paano kikilos. I was stilled in my spot, unable to do anything. I'm helpless as a child.

"Light!" Bulalas ni Liv. Kumalas siya sa pagkakakapit sa braso ni Drexel at lumapit sa'kin para makipagbeso-beso. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko habang gumaganti ng pakikipagbeso sa kanya. "How are you? Grabe ka, nasaksihan ko sa Café yung pag-amin mo nung nakaraang araw. I must say, humanga ako at nagulat."

Napakagat labi ako sa sinabi ni Liv. Kung ano pa yung gusto kong kalimutan siya pa niyang pinapaalala. Nakakainis! Wala sa sariling napatingin ako kay Drexel, siguro dahil gusto ko rin malaman kahit papaano ang reaksyon niya sa nangyari, pero mukhang maling desisyon ang ginawa ko. It's heartbreaking to watch his indifference; his uncaring demeanor is tearing me apart.

"It's a mis-."

"Livy tara na, baka nag-uumpisa na yung party," putol ni Drexel sa'kin.

Pilit akong napangiti. "Tama siya Liv. Tara na sa loob."

Susunod na sana ko sa kanila nang magsimula sila muling humakbang nang hatakin ni Beka ang kamay ko. Napahinto ako at napatingin sa kaniya. Maging si Livy at Drexel ay huminto rin.

"Ahm . . . una na po kayo, susunod nalang po kami nitong kaibigan ko. May nakalimutan po kasi ako babalikan lang po namin," paliwanag ni Beka sa mga nagtatanong na mga mata namin. Ako naman napakunot ang noo ko, hindi kasi usual na may nakakalimutan si Beka kaya nagtataka ako.

"Alright," Drexel said. Tumalikod na ito at marahang inakay si Olivia sa loob.

Nang makapasok na ng tuluyan sina Drexel at Livy ay ibinaling ko ang tingin ko kay Beka. "What was that about? Ikaw may nakalimutan? Parang gusto ko magpamisa."

Imbis na sumagot tinaasan lang ako nito nang kilay.

"Anong problema mo?"

"Problema ko? At ako pa ngayon ang may problema Reina Light?! What the hell was Olivia talking about? Anong confession? Bakit parang hindi mo ata nabanggit sa'kin yan or sinadya mong hindi banggitin?" Tuloy-tuloy na turan nito. Ang mga mata niya ngayon ay mas matalas na sa icepick na feeling ko masusugatan na ako sa klase ng tingin niya. Nakakatakot talagang magalit ang isang to.

"It's nothing," I dismissed with a wave of my hand.

"Nothing nothing ka pa diyan. Now tell me, bakit ka namumula?"

"I'm not! . . . Fine! It's embarrassing. I confessed to the wrong man. Masaya ka na?"

"Aww, that hurts."

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon