CHAPTER 47

7.3K 748 510
                                    


Hello, good evening! Please read this note so everyone is aware, and we won’t have to answer the same questions over and over again. I will be taking a one-week break from updating on Wattpad. I just need some time to relax and refresh my mind. Thank you for your understanding and support! I’ll be back soon with new updates. Stay tuned! :)

I’d also like to know if there are any readers from Misamis Oriental, especially from Cagayan de Oro City. Please comment here.

PS : Shoutout sa mga nakasabay ko sa station-29, nag enjoy ako. Sa uulitin! 💚

-

Ilang araw na kaming magkasama ni Aza at ng anak namin, pero iba ang araw na ito—ito ang araw na magkikita-kita kami nila Ines. Kasalukuyan na kaming nasa biyahe pabalik ng istasyon, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinakabahan.

"Ma, are you okay?" Tanong sa akin ni Wreen habang mahigpit na yumayakap sa aking braso.

"Ha? O-Oo naman, iniisip ko lang ang trabaho," sagot ko, pilit na ngumingiti upang hindi siya mag-alala.

Isa rin yan... pero ang totoo, hindi lang trabaho ang bumabagabag sa isip ko. Ano ang sasabihin kong dahilan sa kanila? Paano ko ipapaliwanag ang nangyari? Ang buong akala nila, nakuha ako ng mga sindikato—na nawala ako nang walang anumang bakas. Napabuntong-hininga ako, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib ko.

"Are you excited to see your sister?" Biglang tanong ni Azalea, na nakaupo sa kabilang side ni Wreen.

Napatingin si Wreen sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay bago umiling. "Nope. Is there any reason for me to miss her? She's a headache, Mom" Diretsong sagot niya, halatang walang interes.

Napailing si Azalea habang napatingin sa akin na parang sinasabing Ano ba ‘tong anak natin?

"Wreen," saway ko nang mahina. "Kapatid mo pa rin siya. Kahit gaano pa siya kakulit, dapat excited ka ring makita siya." Kahit ako na miss ko ang demonyong bata na ‘yun.

"Eh, Ma, is she excited to see me?" Sagot niya, sabay irap. "She always bothers me, and it's annoying." Natawa ako sa inasal niya. Wala talagang filter ang batang ito.

"Don't worry," malambing na sabi ni Azalea, hinaplos ang buhok niya. "I'm sure your sisters miss you too, even if they don't say it." Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sinabi ni Aza, sisters?

"Hmph. We'll see," sagot ni Wreen, pero sa gilid ng labi niya ay may bahagyang ngiti, na tila hindi niya kayang itago ang excitement kahit paano.

Makalipas ang mahabang biyahe, sa wakas ay huminto ang aming sasakyan. Nandito na kami sa labas ng istasyon, ngunit nagdadalawang-isip pa rin akong bumaba. Alam kong ito na ang sandali para harapin ang lahat, pero hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko.

Una nang lumabas sina Azalea at Wreen, habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa loob. Humugot ako ng malalim na hininga, pilit pinapakalma ang sarili, bago nagdesisyong lumabas at harapin ang anumang sasabihin nila sa akin.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, biglang sumakit ang tuhod ko—may sumipa sa akin!

Napangiwi ako sa sakit at agad na hinarap ang may kagagawan. Ang demonyong bata.

Akala ko nagbago na siya dahil nawala ako ng ilang araw, pero mukhang lumala pa.

"Hey, Satan! Do you have any idea how worried Mommy was?! You disappeared for days, and now you just show up?!" Bulyaw niya sa akin, sabay turo na parang may kasalanan akong malala. Napabuntong-hininga ako. Wala talagang pinagbago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now