Tamad na tamad akong bumangon ngayong araw. Bukod kasi sa ayaw ko pang matapos yung stay ko rito sa Japan, hindi pa rin ako kino-contact ni Jeremy. I didn't want to add him din naman tapos ako pa unang magtatanong kung babalikan niya nga ba talaga ako rito. Wala pa akong lakad ng loob at kakapalan ng mukha para gawin 'yon.
I started fixing my stuff na rin kagabi. I have confirmed that I will be going beyond my allotted baggage allowance. Hindi pa ako tapos sa stay ko rito at over baggage na ako. Great. Hindi ko alam kung dapat na ba akong bumili ng extra baggage allowance, pero sigurado ako na kailangan ko na ng pangatlong luggage. Kung paano ko dadalhin 'yon, pinoproblema ko pa rin hanggang ngayon.
So, I mentally reminded myself to buy new luggage after my tour today. Kahit na tamad na tamad talaga ako, I got up and prepared myself.
"Kayanin mo, Thea! Sayang yung binayad mo sa tour!" I told myself as I went out of the hotel to look for breakfast. Nang makabili ng almusal at makakain, I tried to navigate and look for the meeting place para sa Mt. Fuji tour na sinalihan ko. Ang kaso, kahit sabihin sa Google Maps na malapit lang yung hotel, I kept on going in circles. Kainis naman!
"Uhh, excuse me. Can you tell me where this building is?" Napilitan akong magtanong sa isang nakasalubong ko sa daan. Thankfully, he was kind enough to teach me the right way.
"Go straight then at the corner, turn right. Third building on that side," sabi pa niya while I kept on nodding my head, trying to remember everything that he has said.
"Thank you so much!" I said with a smile. He then nodded his head and went on his way pagkatapos ng pag-uusap namin.
True enough, pagkatapos kong sundin yung tinuro sa akin, I finally found the hotel kung saan magkikita-kita para sa tour. Lumapit na rin ako sa parang information desk nung group na nakita ko. It had the logo of the tour I was joining so I simply assumed na nasa tamang lugar na nga ako.
"Hi, good morning! I'm joining the Mt. Fuji Tour?" nag-aalangang sabi ko sa isang babae na nasa likod ng desk. She was all smiles when she looked up at me, though, kaya medyo nabawasan yung kaba ko.
"Can I see your confirmation, please?" sabi niya sa akin. Agad ko namang nilabas yung print out ng confirmation ng booking ko at ipinakita ko 'yon sa kanya. She then read through the paper, pagkatapos ay may mga inayos siya. She then handed me an orange circle sticker na may logo rin nila.
"Kindly stick this for the tour, then fall in line there," sabi niya sabay turo sa isang grupo na nakapila. May isang babaeng nakatayo sa harapan n'on na may hawak na flag. Maiingay yung mga nakapila, halatang magkakasama. As much as I wanted to back out dahil parang maa-out of place ako rito, pinagtiyagaan ko na lang.
"Oh, okay," sagot ko sabay dikit ng sticker sa jacket na suot ko.
"We're just waiting for a few people. We will leave in ten minutes." Tumango na lang ako sa sinabi niya sabay lakad papalapit sa pila.
After ten minutes, true enough, nagsimula na silang mag-announce na pupunta na kami sa bus. May mangilan-ngilan sa grupo namin na mukhang dalawa lang din o kaya mag-isa lang din. I was kind of relieved because of that. Hindi naman pala ako mag-isa na loner ang peg.
All throughout the ride going to Mt. Fuji, I couldn't help but look back at what happened to me in the past few days. Hindi ko alam kung bakit pero hinahanap-hanap ko bigla yung presensya ni Jeremy. It was as if I got so used to him being with me na parang ang weird bigla na mag-isa ako ngayon kahit na ang plano ko naman talaga ay bumiyahe mag-isa.
With a sigh, I just tried to look at the surroundings outside the window. Maganda ang view? Yes. Am I looking forward to it? Yes. Excited pa rin ba ako? Ewan ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?
