Chapter 18

62 6 4
                                        

Despite the cold wind literally slapping our faces, ipinagpatuloy pa rin namin ni Jeremy ang pag-iikot sa Disneyland. Just like sa Disney Sea, kung saan may maikling pila, doon kami pumupunta. We wanted to make the most out of our visit lalo pa't late na rin kami nagpunta. 

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Jeremy sa akin. Katatapos lang naming manood ng show ni Stitch at nakatulala lang ako the whole time.

"Huy! Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin when I didn't answer him the first time. Iniharap pa niya yung mukha ko sa kanya para ma-check ako kung okay lang nga ba talaga ako.

"H-ha? Yeah. I'm okay, I guess?" alanganing sagot ko sabay pilit ng ngiti. I then saw Jeremy shake his head.

"Sino'ng niloko mo? Dalawang araw pa lang tayong magkasama pero alam ko nang may mali. Halatang hindi ka okay. Tell me, ano'ng problema?" Jeremy held my hand then he was drawing circles on my palms. Somehow, it's calming me down pero nalulungkot pa rin talaga ako.

"Ewan ko... Maybe it's a me problem?" I told him, but he just raised his eyebrow, halatang 'di pa rin kumbinsido sa sinabi ko.

"Fine... Medyo nalulungkot lang ako. I know I should be happy kasi I'm getting the chance to experience all of these pero ewan ko ba. At the back of my mind, there's this thought na nalulungkot ako kasi 'di ko ma-appreciate nang todo yung mga nangyayari today. Like, sure, some of the rides are similar sa Hong Kong pero kasi..."

"Wala kang maintindihan?" pagtutuloy ni Jeremy kaya napatingin ako sa kanya.

"How did you..."

"Thea, naiintindihan ko yung sitwasyon mo. Ganyan din ako nung una kong punta dito. Ang taas ng expectations ko kasi nga Disney tapos biglang wala ka naman palang mage-gets kasi walang translations," natatawang sabi ni Jeremy. Napasimangot naman ako dahil doon. Para kasing masaya pa siya na gano'n din ang nararamdaman ko ngayon.

"Why do you look happy, then, kung 'di mo naman pala naiintindihan?" I couldn't help but ask.

"Kasi po, hindi naman na yung lengguwahe ang importante sa akin ngayon. Mas importante na sa akin kung sino ang kasama ko. Kapag gusto mo yung taong kasama mo, okay lang kahit hindi mo naiintindihan ang nangyayari sa paligid. Basta makasama mo lang siya, okay na 'yon," nakangiti niyang sagot sa akin sabay kurot sa pisngi ko.

"And that's what made me happy the entire time that we're here. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin naiintindihan yung kinakanta at sinasabi nila, but who cares?"

"Care Bears?" singit ko kaya napailing siya. One of these days, kailangan ko na talagang matutunan ang pagpipigil sa bunganga ko. Nakakasira ng image yung mga hinihirit ko.

"No, silly," aniya sabay kurot sa ilong ko. Then he continued, "Ang importante para sa akin, ikaw ang kasama ko ngayon. I'm making new memories with you, and that's what matters," nakangiti niyang sabi then he pulled me towards the next ride na pupuntahan namin. Ewan ko ba. Pero at that moment, na-gets ko na yung sinasabi niya. I'm actually glad that I'm making memories with him, too. Sana lang mas maraming memories pa nga ang magawa namin nang magkasama. Kasi pagkatapos ng araw na 'to, hindi ko na alam kung magkikita pa nga ba kami. Hay...

***

Jeremy did his best para makasakay pa kami ng maraming rides. He would often check his mobile app, looking for rides na halos walang pila. Tina-try din niya kung makakakuha pa kami ng passes para mas mapabilis yung pila namin. Muntik pa nga siyang magbayad for express passes, buti nahuli ko lang.

"Hoy! Gagastos ka na naman! Sabi naman sa 'yo hindi mo kailangang magbayad for the passes. I'm okay with falling in line. If hindi natin masasakyan yung ibang rides, okay lang din sa akin. No need to pay for anything para lang makasakay tayo. Masyado kang waldas pera," napapailing kong sita sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya, halatang nahihiya dahil nahuli ko siya.

Accidentally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon