Chapter 10

1.1K 39 2
                                        

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan habang naghihintay ako sa elevator. Kung dahil ba 'to sa first time kong mag-travel nang mag-isa o dahil ba sa asungot na kasama ni Dan, hindi ako sigurado. Unconsciously, I held my breath as I rode the elevator to meet the two of them.

Naabutan kong paikot-ikot ng lakad si Jeremy pagbukas ng pintuan ng elevator. Since hindi niya agad ako napansin, I tried to hide behind one of the posts at doon ko narinig na pinagagalitan na siya ni Dan dahil sa ginagawa niya.

"Umayos ka nga! Para kang natataeng hindi mapakali. Pababa na si Ate. Ano ba'ng pinoproblema mo, ha?" tanong ni Dan, halatang naiinis na sa kinikilos ng kasama niya.

"Kinakabahan ako!" Napailing si Dan dahil sa naging sagot ni Jeremy.

"Ikaw pa talaga ang kakabahan? Mas kinakabahan ako para kay Ate. Bakit ba kasi nagpumilit ka pang sumama sa amin?" Dan questioned. Hindi ko nga rin alam kung bakit nagpumilit din ang isang 'to. Sabi ko naman sa kanya sasabihin ko kay Dan kapag may naisip na akong way para maging quits na kami, e! Bakit nga nangungulit na naman ang isang 'to?

"E kasi nga--" Hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni Jeremy. I decided to come out from my hiding place and pretended not to hear any of the things that they have said. I tried to give out a natural smile but with how Dan was looking at me, I knew that I looked like a fool.

"Hi?" I awkwardly said. Jeremy, on the other hand, immediately stopped walking and looked at me. Alam kong masama ang maging feelingera pero bakit feeling ko, mukha siyang nabunutan ng tinik sa dibdib pagkakita niya sa akin?

"Finally! Malapit nang umusok ang sapatos nitong si Jeremy kakaikot dito. Hindi ko alam kung bakit hindi 'to mapakali. Hindi naman kayo magka-date," natatawang sabi ni Dan and I swear to God! Ang sama-sama agad ng tingin ni Jeremy sa kanya. I didn't want to assume things but with the way they were acting, parang may something that I couldn't really point out. Or maybe ayaw ko lang talagang aminin sa sarili ko yung possibility na 'yon.

"Sorry I had to go back to my room kasi. Naiwan ko pala yung powerbank ko," I lied. Good thing, pinaniwalaan na lang nila yung sinabi ko at hindi na sila nagtanong ng kung ano pa. Ang dyahe naman kasing sabihin na nag-eavesdrop pa ako sa pag-uusap nila kaya hindi agad ako nagpakita sa kanila, 'di ba?

"Okay lang, Ate. Si Jeremy lang naman talaga yung hindi na makapaghintay. Let's go?" Dan asked and I gave him a nod in reply. Sabay na kaming naglakad dalawa and when we looked back, nakatayo lang si Jeremy at tila ba tulala. Ano na naman ba'ng problema nito?

"Dan, okay lang ba 'yang kaibigan mo? He's freaking me out already," I couldn't help but ask Dan. Kanina pa kasi 'to, e. Sa airport, sa airplane, and now this.

"Huwag mo nang pansinin, Ate. Ganyan lang talaga 'yan." I did what Dan suggested but something felt wrong. May iba talaga akong kutob sa kanya. I was just now quite sure if it's a good thing or a bad thing. Hay, ewan. Yung pagkain na nga lang muna ang iisipin ko. Medyo gutom na ako!

True to what Dan said, ang dami nga nilang alam ni Jeremy na kainan around Shinjuku area. Before going to the restaurant that they suggested, itinuro na nila sa akin yung mga pwede kong puntahan. Well, more on the shopping side but I was game for it anyway. They also showed me the train stations na pwede kong puntahan to get around Tokyo. Even if they didn't ask kung ano ba ang nasa itinerary ko, I was glad that they still taught me where to go. Minsan pa naman, ang hina ko sa directions.

"And dito ka pupunta kung gusto mong bumili ng maraming ballpen. They have different brands, types, and colors. I'm sure you'll like it in here," turo ni Jeremy sa isang building. It looked fancy on the outside lalo na't ang naka-display pa sa mga window ay popular brands like Gucci. Because of that, I had second thoughts tuloy.

Accidentally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon