Chapter 5

1.6K 39 3
                                        

February 15, 2017, Manila

Lutang na lutang ako pagbalik namin ni Sir Mark sa office. People were giving us looks nung nakita nila kami na magkasama. Some were shocked while some were smiling like crazy. Yung iba naman, narinig ko na naiinggit kasi kasama ko siya.

If only I could feel the same.

I mean, yes, Sir Mark's a great catch. But isn't this too sudden? Parang ang bilis masyado ng mga pangyayari. Ewan ko ba kung dahil ba pinaniniwala ko ang sarili ko na hindi niya naman talaga ako gusto nitong mga nakaraang araw o linggo kaya ganito. I mean, si Jenny lang naman kasi ang nag-insist na may gusto sa akin 'tong si Sir Mark. Malay ko bang totoo talaga 'yon!

Shocks. Is this the part where I blame myself for being NBSB? Teka lang. Wala talaga kasi akong alam sa ganito! Damn it.

Jenny:
Where on earth are you???

My heart started to beat fast upon reading Jenny's message. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na magkasama pa rin kami ni Sir Mark or not. The heck. Knowing her, she might be forming some stories in her head right now lalo na kapag nalaman niya yung sinabi sa akin ni Sir Mark. Number one fan na yata siya ng "love team" namin ni Sir Mark. Kung tutuusin, papasa pa siyang president ng fans club 'pag nagkataon.

Thea:
I'm in hell. I think the grim reaper took my soul
and he has no intentions of giving it back.

Jenny:
WHAT THE HELL???

Thea:
Talk to you later. The grim reaper is staring
at me.

I immediately kept my phone when I noticed that Sir Mark was staring at me. Bakit ba kasi siya tingin nang tingin sa akin? May dumi ba sa mukha ko na hindi ko alam? May bigla bang tumubong pimple sa tuktok ng ilong ko? Jusmiyo. Hindi ko na alam kung ano ang meron.

"Is there something wrong po?" I finally asked, making the po less audible than the whole sentence. The way he was staring at me was stressing me out already. I needed to break the ice before I melt away.

"Nothing. I'm just wondering what took me so long to finally realize my feelings."

Oh. Okay. We've got a smooth talker here everyone! Dapat na ba akong magpadala rito? Of course, not. I've had my share of bolero guys who wanted to date me. Kaso in the end, they were all talks. Iba pa rin yung pinapakita nila sa sinasabi nila. That was why I ended up rejecting all of their invitations.

Maybe this was also one of the reasons kung bakit NBSB pa rin ako hanggang ngayon. Sabi ng iba, masyadong mataas yung standards ko. Kaso better safe than sorry, 'di ba? Ayaw ko namang mag-invest sa isang relationship na puro salita lang. Alam ko kasi ang magiging resulta niyon: I would just end up getting hurt. And yes, that was the thing that I wanted to avoid at all costs.

Before I could say something back to Sir Mark, biglang bumukas yung elevator sa floor namin. Nagmadali akong lumabas ng elevator and when I realized that I haven't thanked him for the meal yet, I turned around and accidentally bumped into him.

"Oh my god."

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sir Mark sa akin.

"Uhh, yes po. Thank you po pala sa lunch and sorry sa pagbunggo ko sa inyo," I told him as fast as I could tapos nagmadali na akong naglakad papunta sa desk ko. Hindi na rin ako lumingon pa sa kanya at dere-deretso na lang ang lakad ko.

Oh god. Somebody slap me now. Sobra-sobra na yung kahihiyang nararamdaman ko ngayon!

I wanted to chill out na muna sana o kaya humingi muna ng time out mula sa lahat ng nangyari, but as expected, hindi rin naman ako patatahimikin ni Jenny. Pagdating na pagdating ko sa cubicle namin, hinatak niya ako papalapit sa kanya at nanlalaki ang kanyang mga mata.

Accidentally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon