Chapter 1

5.3K 78 9
                                    

At a time like this, sino pa ba ang naniniwala sa love at first sight? Sobrang superficial na ng love na minsan, hindi ko na alam kung paano ba talaga nagkakagustuhan ang mga tao through social media and other whatnots.

Okay, fine.

You can call me bitter all you want. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako umabot sa edad na 'to na walang boyfriend, 'di ba? I was just being realistic here. Dapat, kilala mo muna talaga yung tao bago ka mag-invest ng feelings. Ang hirap kaya nung saglit pa lang kayo magkakilala tapos biglang na-fall ka na only to find out na hindi lang naman pala ikaw ang pinapa-fall niya.

Been there. Done that.

That was why I decided to be extremely careful kapag may nagustuhan akong tao. For me, it's quite impossible to fall for someone just by meeting them once. Lalo na if you met by accident. Ano, nagtama lang yung mata, may sparks na? Sus. Sa K-drama na lang uso ang ganoon. Such things don't happen in real life.

Sure, fate is fate and destiny is destiny. Pero the heck. When you meet someone for the first time, bigla na lang bang tutubo sa puso mo yung feelings mo for the other person? Hindi naman, 'di ba?

Well, that's what I thought until it happened to me.

I am Thea, and this is my story.

***

January 28, 2017, Pampanga

"O, Thea, wala ka pa rin bang boyfriend? Naunahan ka pa nitong si Nina," salubong sa akin ni Tita Mae pagdating na pagdating ko sa family reunion namin. Ngumiti na lang ako nang pilit tapos nagmano na ako sa iba ko pang mga tito at tita, trying my best not to react to what Tita Mae said.

"Tingnan mo 'tong si Nina, gwapo na yung boyfriend, successful pa. E ikaw ba, kailan ka magpapakilala sa amin ng boyfriend mo, ha? Baka naman mamuti na yung mga mata namin kakahintay," pagpapatuloy ni Tita Mae. Napailing na lang yung iba kong mga tito at tita dahil doon. Kagat-kagat ko na rin ang dila ko para hindi talaga ako makapag-comment ng kung ano. I knew that the moment I open my mouth to talk back, masasabihan pa ako na hindi gumagalang sa nakatatanda. It was better to keep my mouth shut na lang talaga.

"Huwag mo ngang madaliin 'yang si Thea. Saka maganda naman yung trabaho niya tapos nakakapag-travel pa siya sa kung saan-saan. Okay na rin 'yon," pagtatanggol sa akin ni Tito Jhun.

"Ayan! Diyan kayo magaling. Kinukunsinti niyo kasi 'tong si Thea kaya feeling niya, okay lang kahit na tumatanda siya na walang jowa. Aba, hindi na siya bumabata. Aanhin niya yung paalis-alis niya ng bansa kung wala naman siyang kasama?"

"Tita, kasama ko po yung mga kaibigan ko kapag umaalis ako," sagot ko sa kanya sabay ngiti nang pilit. I tried to keep my voice neutral din para 'di naman masabing wala akong galang.

"Ewan ko sa 'yong bata ka! Saling ketket ka lang naman doon. Lahat sila, may jowa. Ikaw lang ang wala."

And this was why I hated attending this type of events. Lagi na lang nauungkat yung kawalan ko ng boyfriend. Aba. Sukatan na ba ng pagiging successful in life ang pagkakaroon ng jowa? Masama bang mag-travel kasama ang barkada mo kahit forever third/fifth/seventh wheel ka? Hindi naman, 'di ba?

Bago pa ako ma-corner ulit ni Tita Mae para ipagsigawan sa buong angkan namin na wala pa rin akong boyfriend at kung ano-ano pang issue ang maungkat niya, nagkulong na ako sa kwarto ng pinsan kong si Nina. Imbis na bwisitin ko pa ang sarili ko sa kalokohan ni Tita Mae, naghanap na lang ako ng pwedeng puntahan para makapag-unwind. I was on my third possible destination nung biglang pumasok si Nina sa kwarto.

"Ate Thea, sorry sa sinabi ni Mommy kanina, ha?" Yes, Nina is younger than me. To be specific, she's three years younger than me kaya ginagawang big deal ng mommy niya na nauna pa siyang magka-jowa kaysa sa akin. Jusme. Hindi naman ako na-inform na racing pala 'to. Pssh.

Accidentally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon