Chapter 2

2.1K 52 0
                                    

February 14, 2017, Manila

Valentine's Day. The day that I've been waiting for so long. Yay!

Nah.

Who was I kidding? This is the day that I've been dreading the most. Bukod sa mataas ang chance na ngayon ko malalaman kung na-approve ba ako sa visa application ko, ngayon ko rin malalaman kung magkakatotoo ba yung sinabi ni Jenny na yayayain ako ni Sir Mark for a date.

Well, you see, Sir Mark isn't bad. He's actually too good for a no-boyfriend-since-birth girl like me. At 28 years old, he's already the assistant head of their department. He finished taking up his masters and he graduated with honors when he was in college. He's tall, maybe 6 footer pa tapos he looks good as well. He's good with people and he has a great sense of humor.

In short, he's too good for someone like me.

I mean, I don't get it. Nung nagpasabog ang Diyos ng magagandang traits, he basically went ahead and collected loads of it. Sobra-sobra na nga yung nakuha niya, e. So why did he have to go and like someone like me?

Sabi nila, love is blind. Jusko. Masyado naman yata siyang nabulag para magkagusto sa akin. Maybe he should have his eyes checked or something?

Bago pa ako makapag-isip ng kung anong kalokohan, naglakad na ako papasok ng office building namin. Everywhere I look, puro may dalang bulaklak or chocolates ang mga tao, mapababae man o lalaki. A lot where smiling like crazy fools habang yung iba naman ay parang mangingisay na sa sobrang kilig. Napailing ako dahil doon.

"Ano na namang iniiling iling mo diyan? Ang aga-aga, nakabusangot 'yang mukha mo," pagpuna ni Jenny. Ni hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala siya sa tabi ko. Masyado ba akong matagal na nag-space out dito sa lobby?

"I just don't get it. Bakit ba kailangang ganito kalala ang emotions ng mga tao kapag Valentine's Day? Ano? Inipon nila lahat ng feelings nila for a year tapos ngayon nila ibubuhos ang lahat para one time big time?" I asked honestly and I saw Jenny shaking her head because of what I just said. Langya. Honest question lang naman yung sinabi ko, ah?

"Ugh. You're hopeless! Kaya hindi ka talaga nagkaka-boyfriend, e. Wala man lang bahid ng romance 'yang katawan mo. Masyado kang seryoso. You over-analyze things."

"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why?!" I started to recite the lines from the movie that Jenny watched with me before. Napailing na naman siya dahil sa kalokohang lumalabas sa bibig ko. After that, sinita na niya ako ulit.

"Ayan. Diyan ka magaling. Sa kalokohan. Ewan ko na talaga sa 'yo, Thea. Tara na nga sa taas!" yaya niya sa akin and off to our department we go.

Pagdating namin sa department, tahimik lahat ng tao. It was eerily quiet at para bang may kung anong mali sa amin ni Jenny. Lahat sila ay nakatingin sa amin na para bang may ginawa kaming mali.

"Girl, bakit sila nakatingin sa atin?" tanong ko kay Jenny habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa cubicle naming dalawa.

"Shunga. Hindi sila sa nakatingin sa atin. Sa 'yo sila nakatingin," Jenny answered then nagsimula na akong mag-panic. Shet naman! Hindi ba ako nakapagtanggal ng muta kanina? May tulo laway ba ako? Alam ko nakatulog ako sa van kanina pero usually, hindi naman tumtulo yung laway ko. Oh shocks. Wait. Mukha ba akong raccoon sa eyeliner ko?

Sandamukal na kalokohan pa ang tumakbo sa utak ko. Itatanong ko na sana ang mga 'yon kay Jenny nung bigla siyang tumigil sa paglalakad. Ang ending tuloy, bumunggo ako sa kanya.

"Aray ko naman! Bakit ka ba tumigil bigla sa paglalakad?" tanong ko sa kanya.

"Oh my god! May love life ka na Thea!" sigaw ni Jenny which got me confused. Anong love life ba ang pinagsasasabi nitong babaeng 'to? Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. To my surprise, a bouquet of flowers, a box of chocolates, and a small teddy bear were placed on my desk. Jusmiyo. Kanino nanggaling ang mga 'to?

Accidentally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon