Chapter 25

125 6 4
                                        

March 19, 2017, Manila

"Bakit ngayon ka lang?" seryosong tanong ni Kuya pagkalapit ko sa kanya. I was still weirded out with the way he was talking to me, but I decided to shrug it off.

"Sumabay ako kay Jenny. Bakit? May nangyari ba?" tanong ko sabay tingin sa kanya at sa paligid. When he seemed fine to me, saka ko ulit siya tiningnan.

"Mukhang okay ka naman. Anyare ba? Ang weird mo," hindi ko napigilang sabihin. Pilit namang natawa si Kuya saka ako inakbayan.

Nang sinubukan niya akong igiya papasok ng bahay, inooserbahan ko pa rin siya. The weirdness was screaming all over his face. Halatang may nangyari o mangyayari pa lang na ayaw niyang ipaalam sa akin. I then tried to stop him from moving any further at saka niya ako nilingon ulit.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya. Nagsalubong naman ang kilay ko, nase-stress na sa ikinikilos niya.

"Umamin ka nga. Nag-away na naman ba kayo ni Ate? Nahuli ka bang nambabae, ha?" dere-deretsong tanong ko na nagpakunot naman sa noo niya.

"Baliw. Bakit naman kami mag-aaway? Mahal ko masyado 'yong isang 'yon," proud na sagot ni Kuya which made me kind of envious. I can't help but wonder kung ako ba may mahahanap din ng katulad ni Kuya.

"Huwag ka na nga mag-isip ng kung ano-ano. Tara na," sabi ni Kuya tapos hinatak na ulit niya ako papasok ng bahay. I just kept silent habang naglalakad kami at nag-iisip-isip ako sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Sobrang daming nangyari at hindi ko malaman kung tama bang nangyari ang mga 'yon. I feel like I could have avoided the stress and the drama kung simula pa lang, kinompronta ko na si Sir Mark. But what's done is done at wala na akong magagawa pa roon.

Nang makapasok kami ng bahay, I was weirded out by the fact na parang nagpipigil ng tawa si Kuya. Nakayuko lang kasi ako, halos wala nang natirang energy sa katawan. Akmang lilingunin ko na sana siya nang biglang may tumugtog na kanta. Paglingon ko sa pinanggalingan, lo and behold, Jeremy was there, looking like a complete fool dahil sa suot na barong pero naka-shorts at rubber shoes.

"What the..." naguguluhan kong sabi. Ngumiti naman siya nang malawak sa akin at saka itinaas ang mic na hawak.

"Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-alongPuno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa 'yo"

Before I could even mutter a word, agad nang lumapit sa akin si Jeremy at inabot sa akin ang bungkos ng rosas na hawak niya. Nag-aalangan ko namang tinanggap 'yon, nahihiya at natatawa sa nasaksihan ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob niyang mangharana sa loob ng bahay namin. Most likely—at obvious naman na—kakonstaba niya ang kapatid ko. Kaya siguro gano'n ang itsura ni Kuya kanina.

"Ano na naman 'to?" natatawa kong tanong sa kaniya. Napakamot siya ng batok, para bang ngayon lang tinamaan ng hiya.

"Ahh... Ehh... Aakyat sana ng ligaw. I know mukhang masyadong mabilis. I know hindi ka fan ng mga love at first sight na kuwento, pero I want to prove to you na totoo ang mga gano'n. Take a chance with me?" kabadong tanong ni Jeremy, halos hindi na makatingin sa mga mata ko. Gusto ko sanang matawa sa itsura niya pero nang mag-sink in ang mga sinabi niya, doon din ako napatigil.

Ano raw? Aakyat ng ligaw?

"H-ha?" nauutal kong tanong sa kaniya, nanlalaki pa ang mga mata. Doon naman natawa si Kuya Reeve na lumapit na rin sa amin. Inakbayan niya pa ako, halatang tuwang-tuwa sa nangyayari sa amin ngayon.

Accidentally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon