Fortunately, the rest of the flight was smooth sailing already. Wala nang turbulence kaya nakatulog na ako nang maayos. Jeremy didn't let go of my hand though. Buong biyahe na kami magka-holding hands. I wasn't sure if dahil do'n kaya 'di ko na napansin kung nagka-turbulence pa ba ulit but I felt safe with him beside me.
Pagkatapos naming makadaan sa immigration, we waited for our luggage. Medyo ang tagal ngang lumabas ng mga gamit namin and I was getting tired already. Napansin yata ni Jeremy 'yon kaya lumapit ulit siya sa akin.
"Okay ka lang?" tanong niya na para bang alalang-alala.
"Huh? Yeah. Gusto ko na rin kasing magpahinga. Ngayon ko nararamdaman yung pagod sa biyahe," sagot ko while forcing a smile.
"Upo ka na muna kaya do'n? Ako na bahala sa mga gamit natin," Jeremy said, pointing to a bench nearby. Agad naman akong umiling sa kanya.
"'Di na, uy. For sure, malapit na 'yan. Hintayin na lang natin," I told him, and he reluctantly agreed.
True enough, after a few minutes, lumabas na rin isa-isa yung mga gamit namin. I tried getting one of my bags pero inunahan agad ako ni Jeremy. 'Di ko naman na raw kailangang magbuhat ng gamit at kaya niya na raw 'yon gawin. He then placed all of our luggage sa cart at sumunod na lang ako sa kanya sa paglalakad, not even minding kung saang direksyon ba kami papunta. I was too busy checking the prices for a ride back home kaya hindi ko na napansin na hindi pala kami papunta sa mga bay for arrival.
"Huwag ka nang mag-book," Jeremy said as he covered the screen of my phone. Napalingon naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya.
"Ihahatid na kita. Come," aniya sabay alalay sa akin papunta sa front seat ng kotse niya. After closing the door, agad niyang inilagay sa likod yung mga maleta namin. Itinabi na rin muna niya yung cart at tumatakbo siyang bumalik sa kotse.
"Sorry natagalan," he said as he started the car. I was just watching him the whole time, fixing the aircon settings, checking the rearview mirror, and such. Nang masigurong okay na ang lahat, saka lang siya lumingon sa akin.
"What? Falling for me already?" panloloko niya na siyang ikinailing ko.
"Baliw," natatawang sagot ko kaya natawa rin siya pero maya-maya lang, bigla siyang nagseryoso. Binaklas niya yung seatbelt niya at saka siya dahan-dahang lumapit papunta sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.
"Thea, relax. Ikakabit ko lang yung seatbelt mo," bulong niya and when I heard the seatbelt click, doon ko lang nailabas ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan.
Ah, shit. Mukhang tama nga yata yung sinabi niya kanina!
***
The ride back home was smooth. We would talk about random things, laugh about some of our experiences in Japan, and realize that we had a lot in common. I was surprised to know that we even the same taste in music. Nasa kalagitnaan na kasi kami ng EDSA nung sinabi niyang ako na ang bahala sa music namin sa biyahe. I then connected my phone to the bluetooth and when I played some songs, agad siyang napalingon sa akin, gulat na gulat na pinakikinggan ko rin yung mga artist na pinakikinggan niya.
We were so chill throughout the ride na hindi na namin namalayang malapit na pala kami sa bahay.
"Diyan na lang sa may brown gate," I told him which he obeyed. Dahan-dahan niyang ipinarada 'yong kotse sa labas ng gate namin at nang maayos na ang pagkaka-park niya, I immediately called my brother para tulungan ako sa mga gamit ko.
"Kuya! Patulong sa gamit, please? Nasa labas na ako ng bahay," agad kong sabi sa kanya pagsagot na pagsagot niya ng call.
"Huh? 'Di ka naman nag-send ng Grab details mo. Paanong nandiyan ka na sa labas?" tanong ni Kuya Reeve, halatang gulong-gulo sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?
