Lutang ako habang naglalakad pabalik ng bahay. I couldn't believe na nagawa kong sabihin lahat ng sinabi ko kay Sir Mark kanina. Sure, I know it will still be awkward between us kahit na sinabi kong kaya kong maging friends with him, pero at the back of my mind, I feel like mas magiging awkward lang kami kung ipagpapatuloy namin yung kung anumang meron kami, knowing full well na wala namang patutunguhan 'yon. It was better this way, I think?
Pagkarating ko ng bahay, dere-deretso akong sumalampak sa sofa, tulala pa rin. Nagtatakang lumapit sa akin si Kuya at saka ako tinabihan ng upo.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Mukha kang lutang," puna niya, which I didn't mind at all. Aware naman ako sa itsura ko, e.
"Kuya, nabasted ka na ba before?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya, a sign na naguguluhan siya sa pinagsasasabi ko.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga saka ako humarap sa kanya.
"Ano'ng feeling 'pag nabasted? Awkward ba 'pag nagkita kayo ulit nung nambasted sa 'yo?" dere-deretsong tanong ko. Imbes na sagutin ako, pinitik ako ni Kuya sa noo.
"Aray ko naman, Kuya!" reklamo ko, hihimas-himas pa sa parteng pinitik niya.
"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? 'Tong mukhang 'to sa tingin mo mababasted? Asa," mayabang na aniya, iiling-iling pa. Naparolyo ako ng mga mata, ayaw maniwala sa sinabi niya.
"Sabagay, baka si Ate lang ang niligawan mo kaya 'di ka pa talaga nababasted," kibit-balikat na sagot ko kaya nakakuha naman ako ng batok sa kanya.
"Kanina ka pang buwisit ka, ah," reklamo niya kaya sinamaan ko na siya ng tingin. Sumeryoso naman siya ng itsura niya saka ako tinitigan nang mariin. I kind of felt awkward kaya umiwas ako ng tingin saka nagbuntong-hininga ulit.
Maya-maya lang, inakbayan ako ni Kuya at saka niya isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Pareho lang kaming nakatingin sa kawalan hanggang sa basagin niya ang katahimikan.
"Kung hindi ka pa ready na i-share yung nangyari sa 'yo, I understand. Pero ang lagi mong iisipin, mas okay nang i-reject mo ang isang taong hindi ka naman sigurado na gusto mo kaysa paasahin mo siya sa wala," he seriously said saka tinapik-tapik ang balikat ko. Nang hindi ako sumagot, bigla siyang nagtanong. "So, hindi ko na ba makikita ulit si Jeremy?"
Agad akong napalayo sa kanya at tiningnan ko siya nang masama.
"Wala naman akong sinabing si Jeremy yung tinutukoy ko, ah? Ayaw mo ba sa kanya, Kuya?" curious na tanong ko. Na-confuse kasi ako bigla. Parang okay naman na kasi sila kahapon. So bakit biglang ganito 'tong kapatid ko?
"Huh? 'Di ba siya?" tanong niya which I answered by shaking my head. Nang makita ang pag-iling ko, nanlaki bigla ang mga mata ni Kuya.
"Hoy, teka! Ibig sabihin may ibang nanliligaw sa 'yo?! Bakit hindi ko alam 'yan, ha?!" sigaw niya with matching turo pa sa akin. Pinigilan ko ang sarili kong magrolyo na naman ng mga mata dahil sa pagiging OA niya. Instead, ibinaba ko na lang ang kamay niyang nakaturo sa mukha ko saka ko sinagot ang tanong niya.
"Pinatigil ko naman na agad. Sabi ko 'di pa ako ready nung nangtangka dati. Ayun, nag-settle sa friends muna na getting to know. Ang kaso, na-realize ko na 'di ko talaga gusto. Binasted ko na talaga ngayon," paliwanag ko kay Kuya. Tatango-tango siya sa sinabi ko pero nang parang may na-realize, lumingon na naman siya sa akin.
"E ano yung sinasabi mong magiging awkward?"
Nag-aalangan akong lumunok saka tumingin kay Kuya, nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Nang maisip kong wala rin namang mawawala sa akin, I decided to tell him everything that happened.
All throughout the conversation, nakinig nang maigi sa akin si Kuya. Sure, there were instances na gusto na niya akong batukan o sakalin dahil sa sobrang inis, but most of the time, his reactions, lalo na nung nag-decide na ako na patigilin na si Sir Mark, were positive. Dahil doon, I felt like my decision was correct even if I'm already dreading the day na magkikita ulit kami sa office.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?
