"'Wag ka nga," mahina kong sabi kay Jeremy as I lightly pushed him away from me as well. Nagsimula na rin akong maglakad papasok pa lalo sa area then I felt his hand holding mine again.
If I would be honest with the way I feel, I think that we were moving way too fast for someone who had just met. I was really not used to this kind of pace pero ewan ko ba. I somehow felt safe around him. Hindi pilit yung mga nangyayari between us at sobrang spontaneous din niya to the point na feeling ko, ibang tao na ako ngayon.
I used to play safe whenever I was around other guys. Madalas tahimik o kaya naman kalkulado lahat ng galaw. Jenny said guys didn't like it kapag masyadong madaldal o galawgaw yung mga babae so I made it a point na maging prim and proper hangga't kaya ko.
But with Jeremy? Ewan ko ba. Parang nahanap niya yung hidden switch ko sa katawan para mabilis akong mag-open up sa kanya. It was almost effortless for him to make me do things that I didn't usually do. Just like going on a date with someone I met by accident.
"Akyat tayo doon sa tree house. Ang sabi sa akin nung iba kong mga kasama, pwede raw mag-wish doon sa taas."
"Hindi ka pa ba nakakaakyat doon?" I couldn't help but ask. Para kasing kabisado naman na niya yung mga pasikot-sikot dito since maliit lang din yung area. Saglit lang, maiikot mo na agad yung buong place so it's kind of weird na hindi pa siya nakakapunta sa taas ng tree house.
"Nah. Wala naman kasi akong gustong hilingin nung pumunta kami noon dito," sagot niya sa akin while looking at the top of the tree house. While I was observing the area, I noticed na may tumutunog na bell mula sa taas. 'Yon ba yung way ng pag-wish doon?
"Ano namang hihilingin mo ngayon?" tanong ko ulit sa kanya. Ayaw ko mang magmukhang chismosa pero curious din naman kasi ako. I mean, what could have changed now? He was at the same place that he went to before. He didn't want to make a wish back then. What made him want to make a wish today?
"Sasabihin ko sa 'yo kapag natupad na," he answered with a smile.
"Ewan ko sa 'yo," naiiling kong sagot sa kanya. Paano na lang kung hindi na kami nagkikita by then? E di hindi ko na nalaman pa yung wish niya?
Before I could even tell him anything unnecessary, nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdanan paakyat ng tree house. Gustuhin ko mang maging strong independent woman na hindi kailangang alalayan sa pag-akyat ng hagdan, I failed. Ilang steps pa lang ang nagagawa ko nung bigla akong namali ng tapak sa isang step. I honestly thought na madudulas ako pababa ng hagdan at magiging katawa-tawa sa harap ng mga Hapones nung bigla kong naramdamang may nakahawak na sa baywang ko.
"Ohmygod," hindi ko napigilang sabihin nung naramdaman kong inaalalayan pa rin ako ni Jeremy. Binilisan kong ayusin ang pagkakatayo ko and I tried to compose myself as well. Sobrang dyahe kasi nung posisyon namin kanina. Masyadong agaw eksena at ang lakas maka-K-drama.
"Careful. Saglit pa lang tayong magkasama, na-fall ka na agad. Delikado 'yan," nanlolokong bulong sa akin ni Jeremy. Sinamaan ko agad siya ng tingin kahit na ang totoo, gusto ko nang magpatiwakal dahil sa sobrang hiya. Feeling ko rin, biglang nagsitayuan yung mga balahibo ko sa katawan dahil sa pagbulong niya.
"Alam mo, ang feeling mo." Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Tinalikuran ko na lang ulit siya bago pa siya makapag-isip ng kung ano pang hirit na ibabagsak niya.
"Don't worry though. I'll make sure to catch you naman when you fall." I could almost see his smirk when he said those words. Hindi ko na lang masyadong inintindi ang mga 'yon kahit na ang totoo, sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Ewan ko sa 'yo. Maghanap ka ng ibang mabobola mo." Narinig ko na lang ang pagtawa niya mula sa likuran ko. Gusto ko na sanang mas barahin pa siya pero hindi ko naman magawa baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan namin. I wanted to focus on our activity na lang muna ngayon to relax.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?
