Chapter 21

46 5 1
                                        

Halos hindi ako nakatulog. Bukod kasi sa magkatabi kami ni Jeremy sa kama na hindi naman kalakihan, hindi pa ako pinatulog n'ong sinabi niya. Literal na nakapikit lang ako pero nagre-replay sa utak ko yung mga salitang binitawan niya.

Mahal niya na raw ako...

Hindi ba masyadong mabilis 'to? We met what? Four days ago? Posible ba talagang mahulog sa isang tao nang gano'n kabilis?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko. Alam kong malapit nang tumunog ang alarm ko pero parang ngayon ko pa gustong umidlip. It's our last day here in Tokyo. Ang usapan ang susulitin namin ang araw na 'to dahil gabi pa naman ang flight ko pero magagawa ko nga bang sulitin ang araw kung ang dami namang tumatakbo sa isip ko?

"Thea, gising ka na ba?" mahinang tanong ni Jeremy. I tried my best to keep my eyes closed and my breathing even para hindi niya mapansing gising na ako. Nang hindi ako sumagot, narinig ko ang paggalaw niya sa side niya ng kama. Sunod na narinig ko naman yung pagbukas ng zipper at ang paggalaw ng kung ano-anong gamit sa kwarto. After which, narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo, and that was when I opened my eyes again.

Ang hirap ng ganito...

Why did I have to be so awkward ba kasi tuwing may magtatapat na lang ng feelings sa akin? Well, hindi naman ganito yung naramdaman ko nung nag-confess si Sir Mark, but still... Ewan ko ba. Parang ito na yata talaga ang dahil kung bakit never akong nagkaroon ng past relationship. I'm too awkward and I tend to overanalyze things.

Paano ba kasi naaayos yung ganito? Hay...

Pumikit ulit ako habang nagmumuni-muni sa mga nangyari sa amin nitong mga nakaraang araw. I have to admit, being with Jeremy brought something new into my life, yet it still felt so calming. Hindi ako nape-pressure sa kung ano-ano 'di katulad nung lumalabas-labas kami ni Sir Mark. But with our current situation right now, I can't help but wonder kung mako-consider ba na cheating yung ginagawa ko ngayon?

I mean... wala naman kaming mutual understanding whatsoever ni Sir Mark. I told him din naman na friends lang talaga muna kami. Pero ewan ko. I feel guilty tuloy bigla na ewan.

"Thea, gising na." Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and I had to remind myself again na kasama ko nga talaga si Jeremy. Muntik na akong sumigaw dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha. Kung 'di ko agad nakondisyon ang sarili ko, I would have smacked him right then and there and accuse of him of trespassing sa kwarto ko.

"Ba't ganyan itsura mo? Don't tell me nagulat ka pa na nandito ako?" natatawang aniya. 

OMG. Was I that obvious?

"'Wag ka nga," naiilang na sagot ko. Ginulo naman ni Jeremy ang magulo ko nang buhok nang bumango na ako sa kama.

"Maligo ka na. Do you want me to buy our breakfast downstairs o mas gusto mong kumain sa labas?" tanong niya at napaisip naman ako.

"May open na ba by this time aside sa konbini?" tanong ko pabalik sa kanya. Saglit din siyang napaisip at saka niya inilabas ang cellphone niya para mag-check ng pwede naming puntahan.

"There's a 24-hour ramen place nearby. Kaso okay lang ba sa 'yo na ramen ang almusal?" alanganing tanong niya. Sa totoo lang, hindi naman ako masyadong mapili sa pagkain. Okay, fine. Kapag medyo weird na for me, humihindi talaga ako. Pero ramen on a cold morning sounds okay naman, I think?

"Okay lang naman. Parang uulan din naman kasi," sagot ko na ikinatango niya. He then pushed me towards the bathroom para makapag-ayos na raw agad ako na siyang sinunod ko.

Pagkaligo at pagkabihis ko, laking gulat ko nang halos maayos na lahat ng gamit ko sa kwarto. Napagkasya na ni Jeremy halos lahat sa mga maleta ko yung mga pinamili ko. Well, yung iba sa nando'n sa maleta niya kasi hindi na talaga kasya, and I'm very thankful for that. Nakalibre ako sa excess baggage nang wala sa oras.

Accidentally in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon