Natapos ang fireworks nang wala ako sa sarili. Lutang na lutang ako, gulong-gulo sa nararamdaman. Jeremy held my hand the whole time, not letting go of it even for a single bit. Nakatingala lang ako sa langit, pero yung utak ko, sabog na sabog na talaga.
I couldn't process anything that has happened for the past few mintues. Feeling ko, dinaig ko pa yung mga bida sa teleserye na pinagtapatan ng love interest, nakakaloka. Ayun tuloy, kahit na nasa biyahe na kami pabalik sa hotel na pinagse-stay-an ko, sabog ako.
Jeremy kept holding my hand hanggang sa dumating kami sa hotel. Wala sa sarili ko ring ibinigay yung key card ng kwarto ko nung paakyat na kami. I wasn't talking the whole time, trying to process what had happened kanina. Bakit nung nagtapat naman si Sir Mark sa akin dati, hindi ganito?
"Thea, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jeremy. Napalingon ako sa kanya at halatang-halatang concerned na siya sa akin. Well, sino nga naman ba kasi ang hindi magiging concerned? Kanina pa talaga ako tulala. Ngayon ko lang din napansin na nasa tapat na kami ng kwarto ko, e.
"H-ha? A-ah, o-oo?" uutal-utal na sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag-iling niya dahil doon. He then touched my forehead and I immediately flinched because of that. Nito namang nakaraan, hindi ako natetensyon kapag may physical contact kami. Bakit biglang ganito ako ngayon?!
Hindi naman pinansin ni Jeremy yung naging reaction ko at sunod naman niyang chineck yung leeg ko. I was holding my breath the whole time dahil sa kung anong emosyong nabubuo sa kaloob-looban ko. When Jeremy finally put some distance between us, doon ko pinakawalan ang hininga ko.
"Thea, relax. Ako lang 'to. Bakit parang tensyonado-tensyonado ka naman?" nangingiting tanong niya. Ngayon ko lang napansin kung paano mas nagiging singkit ang mga mata niya kapag ngumingiti siya. Kung paanong parang nagkakaroon siya ng sariling ring light habang nakangiti dahil literal na naggo-glow siya sa harapan ko. Kung paano siya makatitig sa akin na para bang ako lang ang taong nakikita niya sa buong mundo. Why the hell did I notice these things before? What changed now?!
"H-ha? 'W-wag ka nga!" sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. He then pinched my cheeks sabay akbay sa akin. Literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa akbay na 'yon. It was almost the end of the day pero amoy na amoy ko pa rin yung pabango niya. It was manly, yet it was not that strong. Hindi masakit sa ilong, at parang gugustuhin mong laging maamoy.
Shet. Wait. What the hell am I saying?!
"Ang cute mo talaga! Hay, paano naman kita iiwan dito kung ganyan ka?" mahinang bulong niya. As much as I wanted to look at him, masyado akong natatakot sa kawalan ng distansya naming dalawa. Baka may kung ano pang mangyari kung bigla na lang akong lilingon sa kanya. I don't think I'm ready for that.
I chose not to answer na lang. Jeremy then used my key card para mabuksan na yung kwarto ko. Iginiya niya ako papasok saka siya sumunod sa akin. He then placed the things I bought sa corner kung saan nakalagay yung iba ko pang mga gamit. I was just watching him the whole time habang nakatayo sa isang sulok ng kwarto. When he was done, nag-angat siya ng tingin sa akin saka ako nginitian.
"Are you sure you're okay? Wala ka naman bang kakaibang nararamdaman?" tanong niya. Iling naman ang isinagot ko kahit na nagsusumigaw ang puso ko. Oo, may kakaiba na akong nararamdaman sa 'yo! Gusto ko sanang isagot pero hindi naman pwede. Kailangan ko munang masiguro kung ano ba talaga 'to. Masyadong mabilis, e. Paano na lang kung mali pala ako ng inaakala? Paano kung naguguluhan lang pala talaga ako? Mahirap na.
"Hindi ako pwedeng mag-stay nang matagal ngayon. Maaga pa yung flight namin bukas. Are you sure you'll be okay here? Kaya mo naman bang mag-ikot around Tokyo on your own? Familiar ka naman na sa mga train station, 'di ba?" dere-deretsong tanong ni Jeremy that I couldn't help but laugh. Kumunot naman ang noo niya dahil doon.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?
