Naiwan akong nakatulala sa itaas na parte ng hagdan. I couldn't fully process everything that I have heard. Tipong naririnig ko naman yung pinag-uusapan nina Kuya Reeve at Jeremy pero parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga napapakinggan ko. Gano'n na gano'n ang feeling ko. Feeling ko isa siyang malaking prank kahit na alam ko namang totoo.
But at the back of my mind, gusto kong mag-celebrate kasi ito na, finally! Magkakatotoo na. May maisasampal na rin ako sa tita ko sa susunod na family reunion. Pwede ko nang maipagmayabang na maganda ako, matalino, may magandang trabaho, nakaka-travel, at mataas ang chance na meron na rin akong boyfriend.
Who you ka talaga sa akin 'pag nangyari 'to, Tita!
I was silently celebrating in my head nang bigla kong marinig akong pagtawag sa akin ni Kuya. I blinked several times, trying to clear my thoughts at nang makabalik na ako sa realidad saka ako tumingin ulit sa baba nang hagdan. There, I saw my own brother shaking his head, para bang alam na nakichismis ako sa usapan nila ni Jeremy. I then forced a smile sabay kamot sa batok ko.
"Bumaba ka na dito. Kumain na muna tayo," Kuya Reeve said sabay talikd din sa akin. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko saka ako naglakad pababa ng hagdan. When my eyes met Jeremy's agad siyang ngumiti. I smiled in return saka ako naglakad palapit sa kanya.
"Ano'ng nangyari? Ano'ng pinag-usapan niyo ni Kuya?" bulong ko. Sasagot na sana siya pero biglang sumigaw si Kuya.
"Mamaya na 'yang chismis! Kumain na tayo!"
Napailing na lang ako dahil doon. Sumunod naman kami ni Jeremy sa dining area at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ni Kuya nang makita niyang ipinaghila pa ako ng upuan ni Jeremy. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nagpanggap pa siya na walang ginagawang masama.
"Hay nako ka talaga, Kuya," pagpaparinig ko kaya napalingon sa akin si Jeremy, nagtatanong ang mga mata.
"Hmm? Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Ano'ng meron?" tanong niya pabalik. Nagkibit-balikat ako bilang sagot.
"Don't mind us. Typical sibling moment lang 'to. Kain ka na," nakangiti kong sabi sa kanya. Nag-aalangan man, he started scooping food already. Ang hindi lang inaasahan ng kapatid ko ay sa plato ko unang maglalagay ng pagkain yung katabi ko. Ang ending? Ayun. Nabilaukan ang loko.
"Tubig. Tubig!" nahihirapang saad ni Kuya. I took my time pouring water into his glass at nang inabot ko 'yon sa kanya, bumulong pa ako. "Ang bilis na talaga ng karma. Naka-5G na."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jeremy sa tabi ko. He was literally turning red dahil halatang nagpipigil lang siya.
"Itawa mo na 'yan. Baka ma-utot ka pa kakapigil mo, mawalan lang ako ng gana kumain," sabi ni Kuya and after a few seconds, Jeremy was literally laughing his ass out, may papalo pa sa lamesa.
"Pambihira. Ganyan ka ba kapatay na patay sa kapatid ko? Ang korni na ng joke, bentang-benta pa sa 'yo," napapailing na sabi ni Kuya. Hindi naman na sumagot si Jeremy. When I looked at him, hindi na siya nagsalita pa at sumubo na lang siya nang sumubo ng pagkain.
"Ikaw, 'di ka pa ba kakain, ha?" tanong ni Kuya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Nanlalaki pa ang mga mata niya sa akin. Yumuko na lang ako at nagsimula nang kumain.
We ate in silence after that. Kahit na alam kong gusto nang dumaldal ni Jeremy, he kept his mouth shut. Natakot na siguro sa kapatid ko pero madalas, I could feel that he's looking at me. Kaso lilingon pa lang din dapat ako sa kanya, titikhim naman na si Kuya. Ending, hindi ko na siya magawang pansinin.
"'Di ka pa ba uuwi?" tanong ni Kuya Reeve kay Jeremy pagkatapos naming magligpit ng pinagkainan. Napatigil sa pagkilos si Jeremy dahil doon.
"Huy! Kuya! Pasmado na naman 'yang bibig mo!" sita ko sa kanya pero tiningnan lang niya ako na para bang ako pa ang mali.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?
