"Akala ko ba half rice lang? E bakit inubos mo rin yung iyo?" mapanlokong tanong sa akin ni Jeremy once we were done eating unagi don. Sasamaan ko sana siya ng tingin pero baka sabihin niya na naman na cute ako kaya I decided not to do it.
"What's next?" tanong ko na lang sa kanya, trying to change the subject. Pinagtawanan niya lang ako tapos nginuso niya yung isang stall na malapit sa amin.
"Huh? Ano'ng meron do'n?"
"Time for dessert," maiksi niyang sagot sa akin tapos naglakad na kami papunta sa tinuro niyang stall. When I checked what's being sold there, there were cute shaped food na mukhang manju na hindi.
"Manju ba 'yan?" 'di ko maiwasang itanong kay Jeremy. They really looked like one kasi. Yung parang mga binebenta sa mall na ang bango ng amoy tapos either yema or chocolate ang laman? Gano'n na gano'n.
"Nope. It's even better." Jeremy bought some of those manju looking things and apparently, they are called ningyo-yaki. Ningyo means doll and they were filled with sweet anko bean paste. When I took a bite, nanlaki ang mga mata ko. Bukod kasi sa napaso ako sa init niya, I did not expect that it would taste so good.
Like what I have expected, niloko na naman ako ni Jeremy dahil sa reaction ko. I would have been perfect daw to be casted for a mukbang kasi ang saya kong panooring kumain tapos grabe pa yung reactions na ibinibigay ko every time I taste something new. Pinalo ko agad siya sa braso niya dahil doon. Never in my life have I imagined na mag-mukbang. Saka hello? Masarap naman talaga kasi yung mga kinakain namin!
Nung naubos na namin yung binili ni Jeremy na ningyo-yaki, Jeremy asked me the most unexpected thing.
"Do you drink?" he asked nonchalantly. Dalawang beses pa lang akong uminom sa buong buhay ko at hindi pa 'yon alam ng parents ko. Nag-overnight kasi ako sa bahay ng officemate ko tapos doon kami uminom. Noong unang try ko pa nga, sabi ko may itse-check muna akong trabaho. Ang ending, nakatulog ako. Dahil doon, medyo hesitant tuloy ako kung sasabihin ko ba kay Jeremy ang totoo.
"If you can manage to carry me back to hotel if I pass out, I can probably drink," nahihiya kong pag-amin sa kanya.
"Gano'n kababa alcohol tolerance mo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Nakakahiya naman kasing i-elaborate pa yung mga nangyari sa akin kapag nakakainom ako. Turn off lang.
"Sayang naman. Isa pa naman 'yan sa kilala sa lugar na 'to."
"You can grab a glass naman if you like," I encouraged him. Sayang din naman kasi. Saka he should really be drinking with his workmates right now kung hindi lang siya sumama sa pag-iikot ko. He lost his chance tuloy, and I kind of felt guilty because of that.
"Promise, okay lang na uminom ka. I don't want to restrict you naman with what you like," pagpu-push ko pa sa kanya pero umiling na lang siya sa akin.
"Nah. I'd rather drink cola with you than drink a glass of beer by myself," he said with a smile. Nung hindi ako sumagot sa kanya, he continued, "Let's go meet Hachiko?" I nodded in response and I smiled back at him. Hindi ko alam kung bakit pero with the way he's acting this day, I don't think it's impossible for me to like him.
***
Since medyo rush hour pa, medyo marami pa ring tao nung naglakad kami papunta sa train station. Sa dami pa ng dala namin, lalong hassle para sa aming dalawa. Since it would take much longer din kung tren ang sasakyan namin (halos isang oras din 'yon), we decided to split the bill na lang sa taxi or Uber kung ano man ang una naming makuha. That way kasi, halos 30 minutes lang ang biyahe namin, 'di pa hassle sa pagbitbit.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?
