March 11, 2017, Manila
One day before I leave Manila. One day before I go to Japan. One day para itapon lahat ng confusion sa daan. Who would have thought na magiging ganito ako ka-confused bago ako umalis? Gusto ko lang namang mag-travel at mag-enjoy mag-isa pero langya. Mukhang magiging soul searching talaga ang labas nito.
Kasalanan talaga 'to ni Sir Mark.
For the past few days, hindi kasi masyadong nag-uusap dalawa. I was too busy endorsing my pending works and projects to Jenny at si Sir Mark naman, pinadala sa Cebu for a seminar. Not that I was complaining though. Okay rin pala yung may time off kaming dalawa. Yung hindi kami nagkikita at nag-uusap. Feeling ko kasi, mas naliliwanagan din kung ano ba talaga kami ngayon.
Jenny:
Ano? Kinausap ka na ba?Jenny asked through text. Napahinto ako sa pag-iimpake ko dahil doon. Hindi naman kasi ako nag-e-expect na magpaparamdam siya palagi. Alam ko namang busy rin siya roon sa Cebu. And siya nga ang may sabi na mag-sort out kami ng feelings, 'di ba? Pero ewan ko ba. Parang may tiny hint of sadness na wala man lang nga siya kahit na isang text like ingat or whatsoever. Ni hindi nga nangungumusta at all. Parang wala lang bigla yung feelings at concern niya. Labo.
Thea:
Waley. Stop wishing for the impossible.Jenny:
Ayan kasi! Sabi ko sa 'yo, jowain mo na, e.
Ano ka nga ngayon?
Nganga.Thea:
Nah. There are plenty of fish in the sea.
Malay mo sa Japan ko na makita yung the one?Natatawang reply ko kay Jenny. Hindi ko na alam kung epekto ba 'to ng puyat o excitement ko pero sure akong sabog na ako. After a few seconds, sumagot naman agad is Jenny.
Jenny:
Leche ka!
Saan mo napulot 'yang confidence mo ha?Thea:
Someone must have been a bad influence to me.Jenny:
OMG ka! Si Sir Mark ba 'yan???Thea:
Gaga, hindi!
Si Kuya kasi pakapal nang pakapal ang mukha.Jenny:
Ay. Akala ko pa naman...And just like that, natapos ang araw na walang paramdam mula sa kanya. Natapos na ang pag-iimpake ko at lahat, waley talaga. Should I take this as a sign na ba? If yes, I guess, good riddance na rin? Hay, ewan.
***
March 12, 2017, Manila
Madalang akong gumamit ng Facebook. Instagram and Twitter, yes, palagi kong ginagamit. Pero Facebook? Hindi. Nagsasawa na kasi ako sa mga post na mga walang kwenta o kaya mga post na puro paninira o pagrereklamo. Mga akala mo puro perpect yung nagpo-post e sila rin naman mismo yung mga masasama ang ugali. Anyways, ayaw ko nga talaga sa Facebook. Pero bakit ba kung kailan naisipan ko bigla na magbukas ng Facebook, saka naman ito maglalabas ng bad news para sa akin?
I was scrolling through my feed habang naghihintay sa flight ko nung nakita ko bigla yung picture ni niya. Nung una, akala ko kamukha lang niya pero nung dinouble check ko yung pangalan. Upon closer inspection, siya nga talaga. There he was, smiling so brightly while his arm was wrapped around someone whom I didn't know.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
ChickLitAt 25, NBSB pa rin si Thea. For her, love at first sight does not exist. But what if love knocks her down accidentally? Ipipilit pa rin ba niya ang point niya o kakain niya ang lahat ng sinabi niya?