Jiana's POV
May nag text!!!!!
Rinig kong tunog ng phone ko kaya itinigil ko muna ang pag aayos sa sarili ko at kinuha ito't binasa.
"Ji malapit na kami, are u ready?"
Basa ko sa text ni Charity.
Opo tama ang nabasa nyo, si Charity po. Nung birthday kase ni Mr. Clamente nung naka raang linggo niyaya nila ako na sumama sa group date nila sa E.K kaya ito ako ngayon nag re-ready na. Actually, tapos na ko, nakaka hiya naman kung pag hintayin ko sila diba? Kaya ito inagahan ko ang gising.
Nung una ayokong sumama pero nag insist ang GorSome pati na rin sila Jordan at yung twins na sumama ako kaya ito napa sama ako.
"Yeah I'm ready"
Reply ko.
After kong mag reply ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ng nakuntento na ako ay lumabas na ko sa room ko. Pag baba ko ay sya namang tunog ng doorbell kaya nag tuloy ako pinto para lumabas na.
Pag labas ko ng gate ay nakita kong lumabas si Cha sa isang bus. Bus talaga? Sabagay ang dami naman kase namin GorSome pala sampu na tapos 4Kits pa kasama mga girlfriends nila Jordan and nung twins plus ako, bale 18 kaming lahat. For sure magiging masaya 'to, ang saya kaya nilang kasama. Sila yung tipo na pag mag kakasama ay may nabubuong isang mundo kung saan bawal ang problema.
"Tara na!!"
Aya sakin ni Cha sabay hatak sakin papasok sa bus.
"O____O"
Yan lang ang itsura ko pag pasok. Ang ganda *O* Hindi pala bus 'to kundi isang bahay?
Hahaha, kase naman kumpleto na dito. May isang mahabang kama sa right side tapos sa felt ay table at upuan kasunod nun ang mini ref sama dulo ay may kitchen, flat screen at kung anu-ano pa.
"Ji tara na dito"
Yaya ni Anne sabay hatak sakin pahiga dun sa kama.
Kulitan, asaran, kwentuhan at tawanan yan lang maririnig mo sa buong byahe namin papuntang E.K. Ang saya lang. Hahaha, akalain mo yun ang mga bagong kakilala pa ang mag papangiti ulit sakin at mag papatawa ng ganito na matagal tagal ko na rin hindi nagagawa simula nung iniwan nya ko para sa iba.
Hindi din naman nag tagal ay naka rating na kami ng E.K. Ang sabi nila matagal na daw silang hindi na pupunta dito ng mag kakasama, 4 years na daw kaya ayun sila parang mga naka wala sa hawla. Ang cute nilang tignan.
"JIANA!!!!"
Rinig kong may sumigaw sa pangalan ko kaya nag palinga linga ako para hanapin ang kung sino man yung tumawag sakin.
Sa hindi kalayuan sa gitna ng maraming tao ay nakita ko ang isang grupong matagal ko ng hindi nasasamahan dahil nandun sya.