Jordan's POV
Nag tanan na kung tanan pero hindi ko hahayaang mag kahiwalay kami ng mahal ko, gustuhin man naming lumayo hindi pwede, hindi magiging practical dahil malalayo kami sa school na pinapasukan namin. Humanap kami ng apartment na pwedeng upahan, buti na lang may nakita kaming mas malapit, maliit nga lang, isa lang ang kwarto pero ok lang ang mahalaga mag kasama kami.
Wag kayong green ah! Oo nga't mag kasama kami pero hindi kami natutulog ng mag katabi noh! Malaki ang respeto ko sakanya kaya dun sya sa kama at ako naman sa sala. At alam nyo bang hindi madali yun? Hindi ang pag tulog sa sala ah, kundi yung fact na kasama mo yung babaeng mahal mo sa ilalim ng isang bubong tapos nag tanan pa kayo, sh*t lang ang hirap mag pigil ALAM NYO BA YUN? Sobrang pag titimpi ang ginagawa ko araw araw at mag t-tatlong linggo na kaming ganito.
Oo tatlong linggo na, tatlong linggo na kaming mag kasama, tatlong linggo na nga rin akong paiba iba ng trabaho. E panong hindi, bigla na lang akong tinatanggal kahit wala namang mali sa ginagawa ko at alam kong "SILA" ang dahilan nun. Hindi naman ako pwedeng hindi mag trabaho kase parehas kaming nag aaral, syempre kailangan din ng gastos pang araw araw, putol na din ang creadit card ko kaya wala na talaga akong mapag kukunan.
Naisip ko nga e tatapusin ko muna 'tong sem mag istop muna ako para maka hanap ako ng full time na trabaho, sabi ni Jorcell mag t-trabaho din daw sya hindi lang ako pumayag kase syempre ako ang lalaki kaya ako dapat ang mag taguyod samin, gusto ko dito lang sya bahay at mag focus sa pag aaral.
Habang nag iisip ako dito sa sala't habang nag papaantok ay biglang nag ring ang phone ko at pag tingin ko may text si Kevs. Agad ko yung binuksan at binasa.
"Mag bukas ka nga Skype. BILIS!!"
Yan ang text nya, langya mag uutos na nga lang nag mamadali pa. Ano nanaman kaya ang problema nito.
Gaya ng utos nya, binuksan ko ang Skype ko at pag bukas na pag bukas ko at sabay na tumawag ang twins at sya.
"Anong ginawa mo?"
Agad na bungad ng kambal.
"Ha?"
Taka kong tanong.
"Tinawagan kami ni tita at sinabing wag ka naming tulungan pag nang hingi ka ng tulong."
Seryosong sabi ni Kevs.
"Ano bang nangyari Dandan?"
Tanong ni babe at halata sakanya ang pag aalala.
"Nag tanan kami ni Jorcell."
Naka yuko kong sabi.
Xian: "Ha?"
Xigian: "Bakit?"
"Pag hihiwalayin nila kami dahil sa issue nila noon."
Sabi ko kaya halatang nagulat sila at nag taka.